"I knew it. It's you, Kayt." Napatingin kami ni Laykienne sa nagsalita. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinihiling na sana ay hindi totoo ang nangyayari ngayon. "I'm sorry, Ate Kayt," nag-aalalang sabi ng kapatid ko. "Well, it's fine," sabi ng lalaking may malaking parte ng buhay ko, sabay talikod niya sa amin ni Laykienne. Sunud-sunod na patak ng luha ang naramdaman ko sa aking pisngi. Agad akong niyakap ni Laykienne. "Ate, hindi ko alam na ganiyan ang magiging reaction ni Kuya. Bakit siya ganiyan?" ika ni Laykienne. Umiiyak na rin siya. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha. Magkapatid talaga kami, parehas mababaw ang mga luha. "Wala na talaga. Hindi na ako nararapat bumalik sa mundo natin," sabi ko, nawalan ng pag-asa. "Hindi na maaring mahalin niya pa ako." "Ate, don't say t

