Nagsuot ako ng isang pastel pink na long gown. Kitang-kita ang hubog ng aking katawan. Ako na rin ang naglagay ng kung ano sa aking mukha. Marami akong natutunan sa mundo ng mga tao sa loob ng limang taon. Formal ang event at wala akong idea kung anong mangyayari mamaya. Ni hindi man lang ako binigyan ng invitation card, baka mamaya ay mapahiya ako at hindi papasukin. Handa na nga ba ako silang harapin? Sana ay hindi ako pagtaksilan ng aking mga luha. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Masasabi kong may pinagbago sa akin. Ang maputla kong kulay noon ay nawala. Kapag naglalakad ako sa initan ay namumula ang aking balat tulad lang ng sa mga normal na tao. Iba nga lang ang kulay ng aking mga mata dahil para akong nagsuot ng contact lense, kahit wala naman talaga. Ang tangkad

