Humarap ako kay Janel. Malungkot akong tumitig sa kaniyang mga mata. "Naniniwala pa rin ako sa nakatakda ng panahon, Janel. Ikaw ba?" tanong ko sa kaniya. Halu-halong emosyon ang nakikita ko sa kaniyang reaction. Hinawakan niya ang aking balikat. "Kayt, nagbabago naman iyan, hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Basta ako, ipaglalaban ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Mahal ko si Sky at naniniwala ako na kami pa rin hanggang sa huli," maluha-luha niyang sabi. Mahal niya pala talaga si Sky higit pa sa pagmamahal niya kay Hero noon? "Pero aminado ako na noong nalaman ko na si Hero ang nakatakda sa akin, may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko maipaliwanag, pero gusto kong humingi ng pasensiya sa iyo gawa niyan," nakatungong sabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Kahit nam

