Maraming pagkain na inimbak si Laykienne sa aking kwarto. Dinadalhan niya ako ng pagkain ng tao. Nagtataka na nga ako kung paano niya ako napapakain ng ganoon. "Hey, saan mo ba ito nakukuha? Parang araw-araw ay binibigyan mo ako ng pagkain ah?" tanong ko sa kaniya. Inilapag niya sa lamesa ang broccoli soup na hawak niya. Sabi niya, "Ate, sinabi namin kay Tito Kyle ang nangyari. Mas mabuti na nga raw na inilayo ka namin. Sa kaniya kami kumukuha ng pagkain." Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na at alam ni Tito Kyle ang sitwasyon ko. Ayokong mag-alala siya at ipahanap pa ako sa buong mundo. "Paano pala kapag binasa ni Hero ang nasa isipan niya?" kabadong tanong ko. "Safe naman po, Ate Kayt. Si Kuya Sky po ang gumawa ng paraan para iyong mga sinabi namin ay hindi mabasa ni Kuya He

