Dahan-dahang inilagay ni Hero ang kamay niya sa aking baywang. Napatingin ako sa kamay niya. Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya, kaya ang likod ko ay mabilis na napasandal sa kaniya. Humarap ako sa kaniya at inilapit niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Ganiyan siya katangkad, hanggang dibdib niya lang ako. Rinig na rinig ko ang paglunok niya ng laway. Ang lalim nang bawat paghinga niya, na para bang kinakabahan o may gusto siyang sabihin. Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya. Nakangiti siya sa akin at parang inaasar si Sky. "Kayt!" pag-aalalang tawag ni Sky sa akin. Lalapit na sana si Sky nang biglang itinaas ni Hero ang isa niyang kamay. Napatigil si Sky. Halatang kinakabahan na siya ngayon. Nakatapat ang hintuturo ni Hero sa kaniya. "Hindi mo gugustuhin ang mangyayari

