Ilang araw na kaming nagtuturo sa mga estudyante ng MVA. Sa ngayon ay tinuturuan pa rin namin sila kung paano controll-in ang kanilang magic. Masarap sa pakiramdam na lahat sila ay masaya. May nag-abot sa akin ng chocolates at isang pirasong bulaklak. Nahihiya pa ito sa akin. Nginitian ko ang lalaking halos kasing edad ko lamang. "Thank you, Princess Kayt sa walang sawang pagtuturo sa amin. Para sa iyo ang mga ito," nahihiyang pasasalamat niya. Nginitian ko ulit siya at tinap ang balikat niya. Napansin kong namula ang kaniyang pisngi. Tinanggap ko naman ang mga ito. "Thank you so much, Ichiko!" ika ko. Mabuti at tanda ko ang pangalan niya. "Kayt," tawag sa akin ni Hero. Agad akong nagpaalam sa kanila. Nag-wave lang ng kamay si Hero sa kanila. Halos pigil tili naman ang mg

