Walang habas na pinaghahagis ni Governor Almazan ang bawat bagay na madampot niya. Kakauwi lang nila mula sa event ni Chairman Jaime Lorenzaga. Ipinakilala nito si Simon sa lahat ng mga maimpluwensyang tao bilang susunod na presedential bet ng nangungunang partido sa bansa. Dahil dalawang partido lang ang maglalaban sa eleksyon ay nasira ang plano at ang matagal na paghahanda niya. “R-ramon! Huminahon ka!” tili ng asawang si Josefa sa kanya. “Napahiya ako, Josefa! Dahil sa Simon na iyon!” galit na sigaw niya. “Papa, may magagawa pa tayong paraan, hindi dito nagtatapos ang mga plano mo,” wika ng bunsong anak na si Carlo. “At ano? Wala na! Hindi na mababawi pa ang pasya ni Chairman Lorenzaga!” bulyaw niya sa anak. “Papa, tama si Carlo! May hawak pa tayo laban kay Don Simon!” sabat naman

