Marahang dinilat niya ang kanyang mga mata. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa matinding kirot na kanyang naramdaman. Isang pares na bughaw na mga mata ang sumalubong sa kanyang paningin. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang katawan upang makasandal siya sa headboard. Maaagap na inalalayan siya ng lalaki na makaupo ng maayos. Tumalikod ang lalaki at kumuha ng tubig sa refrigerator na nasa silid. Nagsalin ito sa basong nasa bedside table at inabot sa kanya. Deretsong ininom niya ang laman niyon at inilipag niya sa mesang nasa gilid niya. “How do you feel?” wika nito sa kanya. “I’m okay, where’s X?” mahinang tanong niya sa lalaki. Napatda ito at dumaan ang pagkagulat sa mga mata ng lalaki na agad din namang nawala. “What are you talking about?” maang na tugon nito sa kanya. “You

