Inihinto ng driver ang bridal car sa tapat ng simbahan. Punong-puno ang loob at labas nito ng mga bisita. Talagang inimbitahan ni Governor Almazan ang lahat para sa kasalang iyon. Masuyong yumakap sa kanya ang Lola Divina niya. “Sigurado ka bang hindi ka magpapahatid sa altar?” muling tanong nito sa kanya. “Opo, Lola,” nakangiting tugon niya. “Sige, apo,” lumabas ito ng bridal car. Nakahanda na ang lahat ng kasama sa entourage sa pagpasok sa simbahan. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya dahan-dahang lumabas ng sasakyan. Inalalayan siya ng mga tauhan ni Lauren, ang wedding planner ng kasal niya. Pumailanglang ang malamyos na tinig ng wedding singer sa buong simbahan. Deretso ang tingin na naglakad siya sa gitna ng aisle. Nakatayo si Brian sa harap ng altar, katabi nito ang ka

