Ilang beses na napabuntong-hininga si Calleigh habang urong-sulong siya kung kakausapin niya si Brian. Napailing siya, huminga siya ng malalim bago niya nilapitan ang binatang nagkakape sa terrace. “Brian,” mahinang tawag niya rito. “Oh, babe! Kanina ka pa?” tanong nito. “Hindi naman,” naupo siya sa tabi nito. “May problema ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Brian,” usal niya. “Babe, what’s wrong?” “May kailangan akong sabihin sa iyo. Kung hindi mo ako mauunawaan o mapapatawad ay tatatanggapin ko,” sabi niya sa binata. “Ano bang sinasabi mo babe?” puno ng pagtatakang tanong nito. “Brian, hindi totoo na may amnesia ako,” wika niya rito. “Ganoon ba?” malungkot na usal nito sa kanya. Kinuha niya ang mga kamay nito at masuyo niyang pinisil. Pinaktitigan niya ang binata sa mg

