Mataas na ang sikat ng araw nang ihinto ni Xavier ang sasakyan sa tapat ng dalawang palapag na bahay. Inilabas ni Xavier ang mga dala nilang gamit. Paglabas niya ng sasakyan ay sumalubong sa kanya ang malamig na klima ng Sagada, Mountain Province. Hinigpitan niya ang suot na jacket. Nanginginig ang mga benti niya sa lamig dahil cycling short lang suot niya. Huminto ang motorsiklo ni X sa tabi ng kanyang kotse. Hinubad nito ang helmet at nilapitan siya. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay habang papasok sila ng bahay. Isang modern log cabin sa gitna ng malawak na humahalimuyak na taniman ng kape ang napasukan nila. “Nakakapagod,” naghihikab na usal ni Xavier. “Take a rest, ako ng bahalang mamili ng mga kakailanganin natin,” sabi ni X sa kakambal. “Okay, hindi ko na talaga kaya,” halos

