Kakapatulog lang ni Juan Miguel kay Calix. Nahirapan siyang mapatulog sa gabi ang kanyang anak dahil hinahanap nito ang kanyang asawa. Hinubad niya ang pang-itaas na damit. Kakalasin na niya ang pagkaksinturon ng kanyang pantalon nang marinig niya ang tatlong katok sa pintuan. Kunot-noong binuksan niya ang pinto. Napahinto siya sa akmang pagtatanong nang makita niya kung sino ang nasa labas ng pinto. “Sweetheart!” hindi makapaniwalang usal niya. Nagulat siya nang biglang siniil siya ng mapusok na halik ni Calleigh na buong alab niyang tinugon. Isinara niya ang pintuan ng hotel room niya. Buong kasabikan na nagsalo sila ng asawa ng halik. “I miss you, sweetheart,” mahinang anas niya sa pagitan ng kanilang paghahalikan. “I miss you too, JM!” usal ng asawa sa kanya. Napaungol ito nang

