Napabalikwas si Juan Miguel, agad niyang tinignan ang kanyang tabi. Tinambol nang matinding kaba ang kanyang dibdib ng wala si Calleigh sa kama. Agad siyang lumabas ng kanilang silid. “Leigh! Leigh! Leigh!” malakas niyang tawag sa asawa. Nakahinga siya ng maluwang nang mapansin niyang nasa nursery ang asawa. Nilingon siya nito, ngumiti ito nang makita siya. Naka-wheelchair pa din si Calleigh, kasama nito ang Ate Sofia niya at si Nurse Sonya. “Grabe ka naman makatawag, Miggy!” nakasimangot na wika sa kanya ng kapatid. Nagpipigil naman ng tawa si Nurse Sonya. Napahawak siya sa kanyang batok at iiling-iling na nilapitan ang mga ito. “Good morning, sweetheart!” mahinang bulong niya sa asawa sabay halik sa noo nito. “Good morning! Maaga kaming nagising ni Calix, buti na lang at maagang p

