Mula sa kanyang sasakyan ay pinagmamasdan ng estranghera ang paghahatid kay Jackson Almazan sa huling hantungan. Makalipas ang ilang oras, nang makasigurado niyang nakaalis na ang lahat ng taong nakipaglibing ay lumabas siya ng kanyang sasakyan. Tinakpan niya ng bandana ang kanyang ulo, sinigurado niyang tanging mata lang niya ang makikita. Naglakad siya palapit sa puntod ni Jackson. Inilagay niya ang bugkos ng puting rosas sa ibabaw ng puntod. Mabilis niyang pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. Matapos ang pagbibigay niya ng taimtim na panalangin ay pumihit siya pabalik sa kanyang sasakyan. Naphinto siya nang matanaw niya ang paglalakad ng isang lalaki papunta sa kanyang kinatatayuan. Maingat na naglakad siya sa pinakamalapit na puntod upang hindi siya mahalata nito na si Jac

