Two years ago, ...
“Miggy, come on man sigurado ka ba talaga diyan sa sinasabi mo,” tanong kay Juan Miguel ng best friend niyang si Alex.
“Yes, I saw her last week,” sagot niya rito.
“Totoong kamukha siya ng hipag mong si Carina?” anito.
“Identical twins sila, well siguradong sigurado na ako dahil hawak ko na ang DNA result nila, and Carina is planning something I’m not aware of,” sagot niya sa kaibigan.
“D**n, she is crazy!” bulalas ni Alex sabay inom ng alak na nasa baso nito.
“I am helping her dahil mahalaga siya sa akin, alam mo namang simula pagkabata ay kasama na namin si Carina. She is like a sister to me,” saad niya.
“Anong plano mo ngayon dahil para kang stalker na sunod ng sunod sa kakambal ni Carina?” tanong ni Alex sa kanya.
“I will make sure na sa resort magpapabook ang company na pinagtratrabahohan ni Carrine,” mariing sagot niya rito.
“You are playing a dangerous game, kapag nalaman ng pamilya mo na tinutulungan mo si Carina sa mga plano niya lagot ka talaga lalo na kay Kyle,” iiling-iling na wika nito.
“I can’t help it, I want to see her dahil masaya ako kapag nakikita ko siya,” bumuntong hininga siya.
“Pero mali itong ginagawa mo!” bakas ang inis sa tinig na wika ni Alex sa kanya.
“D**n Alex ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae” sagot niya sa kaibigan.
“Maybe kaya ka nahook sa kanya dahil baka deep inside you have feelings for Carnina” anito.
“That’s not the case Alex, Carrine is different,” aniya.
“Well, you need to fight what you are feeling for her dahil baka masaktan ka lang sa bandang huli,” wika nito sa kanya.
Hindi siya nakakibo sa winika ng kaibigan dahil kahit siya ay alam niya na siya ang matatalo sa huli.
Hindi naging madali ang lahat sa pagitan nila ni Carrine, ngayon pang nalaman niyang pinagpapanggap ito ni Carina bilang asawa ni Kyle.
“Bakit kailangan pang magpanggap siya na ikaw?” galit niyang bungad sa hipag.
Dinalaw niya ito ng malaman niyang sa hacienda tutuloy si Carrine bilang asawa ng kanyang kapatid.
“Come on Juan Miguel, napag-usapan na natin ito,” nahahapong wika ni Carina sa kanya.
Lumambot ang kanyang anyo at kinalma niya ang kanyang kalooban, alam niyang hindi ito maaring ma stress.
Habang tumatagal ay patuloy na pahina ng pahina ang katawan nito.
“Bakit mas nanaisin mong malayo sa kanila kung pwede naman nating ipaalam ang kalagayan mo,” malungkot niyang wika sa hipag.
“I’m on borrowed time Juan Miguel, hindi ko hahayaang makita ako ng aking mga anak sa kalagayan kong ito,” humugot ito ng malalim na hininga.
“Gusto kong iwan ang mag-aama ko na di na nila pa kailangang mahirapan na makita akong ganito at gusto kong masigurado na magiging masaya sila” dagdag na wika nito sa kanya.
“Pero sasaktan mo din si Carrine!” mariing tugon niya rito.
“Carrine will soon find out everything about me and my condition. I’m selfish Juan Miguel pero ginagawa ko to para sa mga anak ko,” nahahapong wika nito.
“Pero Carina!” saad niya.
“Please, alam kong wala akong karapatang hingin ito sa iyo,” pinahid nito ang isang patak ng luha na tumulo sa mata nito, “I love your brother so much lalo na ang mga anak ko pero higit sa ano pa man nais kong pagbayarin ang may gawa nito sa akin” nakikiusap ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
“Wala na akong panahon, akala mo ba gusto kong gawin to kay Carrine” umiwas ito ng tingin sa kanya.
“I want to be with her, madaming taon ang nawala sa aming magkapatid pero ang magagawa ko na lang para sa kanya ay masigurado na may pamilya siyang kanya talaga, pamilya na mamahalin siya ng buong-buo,” malungkot itong muli na tumingin sa kanyang mga mata.
Hindi siya kumibo, parang may pumiga sa kanyang damdamin ng makita niya ang matinding dalamhati sa mga mata ni Carina.
Nilapitan niya ito at hinawakan ang mga kamay nito.
“We will find who did this to you, but you need to fight for Drea and Drei,” masuyong wika niya kay Carina.
“I don’t know Juan Miguel if I can hold it a bit l-longer,” garalgal ang tinig na wika nito sa kanya.
“You’re a strong woman, Carina. Remember when you fought those bullies when we were young,” He chuckled as he remembered how Carina hid the bags of kids bullying Raul.
Pagak itong natawa, “I missed him Juan Miguel, malaki ang kasalanan ko sa kanya,” nabalot ng lungkot ang magandang mukha nito, batid niyang ang pinsang si Raul ang tinutukoy ni Carina.
“Do you want to see him again?” tanong niya sa hipag.
“Maybe some other time, I’m too tired!” nahahapong wika nito.
Kapag may pagkakataon ay sinasamahan niya si Carina para makita nito ng patago ang kanyang pamilya lalong lalo na ang mag-aama nito at si Raul.
Nakatanaw si Juan Miguel kay Carrine/Lexie habang nakikipaglaro ito sa kambal, iyon na lamang ang kaya niyang gawin. He never expected na lalalim ang damdaming iniukol niya kay Lexie, but he can’t help falling for her sa kabila ng katotohanang ramdam niyang may pagtingin na ito sa kanyang kapatid.
“Hey what’s wrong?” puna sa kanya ni DJ. Di niya namalayang ang pagdating nito.
“Nothing!” aniya.
Binalingan nito ang tanawing tinitignan niya bago ito dumating, “You’re in trouble Miggy!” iiling-iling na wika nito.
Nagtatakang tinignan niya ito, “What do you mean?” tanong niya rito.
“Do you think I’m an idiot, sa simula pa lang alam kong hindi siya si Carina,” nakangising wika nito.
“What!” gulat niyang tanong kay DJ.
“Miggy, lumaki tayong kasama natin si Carina, tingin mo ba di ko mapapansin maging ang mga simpleng mannerism niya,” natatawang sagot nito.
“Kuya!” usal niya, bihirang bihira niya itong tawaging Kuya.
Tinapik nito ang kanyang balikat, “You are hurting yourself, Miggy,” nakakaunawang wika nito sa kanya.
“There is nothing I can do,” aniya.
“Well, I think mas maganda kung ikaw na lang ang pumunta sa Las Vegas,” napalingon siya sa kapatid.
“Why?” takang tanong niya.
“May problema ang branch natin doon, tinawag sa akin ni Lance,” bumuntong hininga ito, “Ikaw na muna ang umayos doon para malibang ka din, may kailangan akong ayusin dito,” anito.
“May balita na ba sa kanya?” makahulugang tanong niya sa kapatid.
“Wala pa, but eventually mahahanap ko din siya,” malungkot na tugon nito.
Sa kanilang magkakapatid, si DJ ang laging palabiro at maloko. Nabawasan lang ang kalokohan nito noong nagseryoso na ito sa hotel chain ng pamilya nila. Hindi lingid sa kanya na may matinding pingadadaanan ito. Dahil saksi siya sa mga paghihirap nito.
“Well, sasabihin ko na kay Lance ihanda ang lahat sa pagdating mo,” nakangising wika ni DJ sa kanya.
Tumango siya rito.
“Basta iyong payo ko sa iyo, family is family; if we need to sacrifice our feelings for the sake of this family, gagawin natin so don’t forget that!” paalala ni DJ sa kanya.
“I know Kuya” malungkot niyang sagot rito at kanyang sinulyapang muli ang pakikipaglaro ni Lexie sa kambal.
Labis na sakit ang kanyang nadarama dahil alam niyang ang puso ng babaeng kanyang iniibig ay tumitibok na para sa kanyang kapatid na si Kyle.