Chapter 2

1960 Words
Matindi ang kabog ng dibdib ni Juan Miguel habang buhat-buhat niya si Calleigh. Nasa labas na sila ng function hall. Hindi niya malaman ang gagawin, lalo pa at kita niya ang paghihirap sa magandang mukha ng babae. “D**n! Call Ate Sofia!” natatarantang sigaw niya. “I called her she’s on her way,” wika ng Kuya Brandon niya. “Hijo! Di na siya aabot sa hospital ipasok mo siya sa cabin,” hayag ng kanilang Mama. Binuksan ni DJ ang unang cabin na nadaanan nila, ibinaba ni Juan Miguel si Calleigh sa kama. “A-aaahhh!” nahihirapang sigaw nito, bakas sa mukha ng babae ang labis na paghihirap. Naghahalo ang luha at pawis nito. Hinawakan niya ang kamay ni Calleigh habang ang kanilang Mama ay pinupunasan ang mukha nito. “Mama! Por favor do something!” natatarantang baling niya sa ina ng muling humiyaw si Calleigh. “Kumalma ka hijo! Nasaan na ba si Sofia!” tanong ng Mama niya sa mga kapatid. “I’m here! Bakit may nangyari ba kay Blanca?” natatarantang bungad ng Ate Sofia niya na agad ding napahinto, “C-calleigh!” gulat na usal nito ng mapadako ang tingin nito sa kama. “Marie!” nanghihinang wika ni Calleigh. “Magkakilala kayo?” kunot-noong pinaglipat niya ang tingin sa dalawa. “A-aahhhh, di ko na kaya ang sakit!” sigaw ni Calleigh at humigpit ang kapit nito sa kanyang kamay. “Ate!” tawag niya sa nakatulalang kapatid. “Oh my God! Don’t tell me ikaw ang JM na sinasabi ni Cal!” bulalas nito. “Hija, mamaya na ang mga tanong baka mapano ang apo ko!” singit naman ng Mama nila na patuloy sa pagpunas ng pawis at luha ni Calleigh. “Calleigh hindi na tayo aabot sa hospital, lalabas na ang bata, you need to trust me Cal!” masuyong wika ng Ate Sofia niya kay Calleigh, pero bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng kanyang kapatid. Ang kanyang Mama at Ate Sofia niya ang magkatulong para paanakin si Calleigh. Tagaktak ang pawis nito at maputlang maputla na ang babae na labis niyang kinababahala. “M-marie, just in case alam mo na kung anong dapat gawin!” bakas ang labis na paghihirap sa mukha nito. “C-cal!” naluluhang wika ng kapatid niya. Hindi alam ni Juan Miguel kung anong usapan ang namamagitan sa dalawa. His emotions are all over the place. Pag-aalala sa babaeng di niya inaasahang makikitang muli at pag-aalala sa pinagbubuntis nito. Maraming dapat ipaliwanag sa kanya si Calleigh. Malaki ang atraso nito sa kanya. “Ate por favor!” nakikiusap niyang tawag sa kapatid. Tumango ito, “Cal, you need to push hard, the baby is coming out!” mariing utos ni Sofia kay Calleigh. “A-ahhhhhhh!” sigaw nito. “You’re doing great hija!” kausap ng kanilang Mama kay Calleigh, “Tatagan mo ang loob mo.” “JM ang baby natin,” mahinang usal ni Calleigh sa kanya. Kinuyom niya ang kanyang kamao, “Don’t worry, our baby will be okay,” tumingin siya sa kanyang Ate Sofia, tumango ito sa kanya. Masuyong hinagkan niya ang noo nito, “Calm yourself sweetheart, everything will be okay,” aniya. Tipid itong ngumiti sa kanya pero ang mga mata nito ay puno ng kalungkutan. Gustong pawiin ni Juan Miguel ang nakikitang lungkot sa babae. Parang pinipiga ang kanyang puso sa di mapaliwanag na dahilan. Isang mahaba at malakas na sigaw ang pinakawalan nito, humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Malakas na iyak ng sanggol ang pumailanglang sa buong silid. “Oh!” tanging usal ng kanyang Mama bakas ang kaligayahan sa mukha nito. Napuno ng di maipaliwanag na damdamin ang kanyang buong pagkatao. The most beautiful sound he heard his whole life. “My S-son!” garalgal ang tinig na usal niya. Hindi maalis ni Juan Miguel ang kanyang paningin sa kanyang anak habang nililinisan ito ng Ate Sofia niya at ng Mama nila. “Calleigh, he’s beautiful!” nakangiting wika niya kay Calleigh habang nakatingin siya sa kanya anak. Hindi ito kumibo, bumitaw ang kamay nitong kanina lang ay napakahigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Tinambol ng matinding kaba ang kanyang puso ng lingunin niya si Calleigh. Maputlang maputla ito at halos wala ng buhay. “Ate!” tarantang tawag niya sa kapatid. Inilipat ng kanyang kapatid sa bisig ng kanila Mama ang sanggol. “Oh, God!” napasinghap ang kanyang Mama. “L-Luke! Luke!” tawag ng kapatid sa kasintahan nito na naghihintay sa labas ng Villa. Pumasok si Luke, kasunod ang Kuya Brandon nila. “Sh*t!” narinig niya usal ni Luke at agad nilapitan si Calleigh. “Ate! What’s happening to her?” tanong niya sa kapatid, hindi siya sinagot nito. “F**king answer me!” sigaw niya, patindi ng patindi ang pag-aalala niya lalo na at bakas sa mukha ng kanyang kapatid ang tensyon, ganoon din kay Luke. “Miggy!” tawag sa kanya ng kanyang Mama, “Please hijo! Mas makabuti kung sa labas ka na muna, kami na bahala rito. Huwag kang mag-alala akong bahala sa apo ko.” “No Mama!” mariing tutol niya. Tinapik ng Kuya Brandon niya ang kanyang balikat, di niya namalayang nasa tabi na din niya ito, maging si DJ. “Ella estará bien, tienes que confiar en Sofía y Luke,” anito. (She’ll be fine, you have to trust Sofia and Luke) “H-hermano!” kuyom ang kanyang kamay na tugon niya rito. Hinawakan siya sa balikat ni DJ, “Let’s go Miggy!” anito. Nilingon niya ito at tinanguan, lumapit siya sa kanyang Mama. Naluluhang tinitigan niya ang kanyang anak. Walang pagdududa sa kanyang puso na dugo at laman niya ang sanggol. Iniabot ng kanyang Mama ang sanggol sa kanya. Ang paglapat ng maliit na katawan nito sa kanyang bisig ay nagdulot sa kanya ng walang kapantay na saya. Takot na takot siyang masaktan ito o maipit niya. “Hijo!” usal ng kanyang ina. Nauunawaan niya ito, labag man sa kanyang kalooban na mawalay sa kanyang bisig ang kanyang anak ay dahan dahan niya itong muling ipinasa sa kanyang Mama. Sari-saring emosyon ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Muli niyang sinulyapan si Calleigh at ang kanyang anak. Labis ang kanyang pangamba para sa kanyang mag-ina. Napilitan na siyang lumabas ng silid. Paglabas niya ay nabungaran niya ang pag-alala sa mukha ng kanyang pamilya. Nahahapong sumandal siya sa pader. “Miggy, hijo, magiging maayos ang lahat,” masuyong wika ng kanyang abuela. “Espero que tan abuela,” aniya. (I hope so Grandma) Niyakap siya ng kanyang abuela ng puno ng pang-unawa. Batid niyang kailangan niya ng mahabang paliwanagan sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kaniyang abuelo, abuela at mga magulang. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay may dumating na ambulance ng Vasquez Hospital, napatuwid siya ng tayo. Lumabas si Luke at agad niyang hinarap ito. “Anong nangyayari?” bungad niya rito. “Miggy” bungad nito at tumingin ito sa kanyang pamilya. Kinuyom niya ang kanyang kamao, kinakabahan siya sa sasabihin nito. Tumikhim si Luke bago nagsalita, “She is unconscious right now Miggy, pinadala ko ang mga medical equipment rito, so we can monitor her,” bumuntong hininga ito, “She is out of danger so far, but I have to inform you that Calleigh has a heart condition.” anito. Tumigas ang kanyang anyo sa narinig, “Are you sure?” aniya. “She is my patient Miggy.” tugon nito. Dinig niya ang pagsinghap ni Blanca at Lexie kasabay ng pagbukas ng silid at paglabas ng Ate Sofia niya. Namamaga ang mga mata nito sa pag-iyak. Marami siyang gustong itanong sa mga ito, kinalma niya ang kanyang sarili dahil gusto niyang masiguradong ligtas si Calleigh. “Since when?” malamig niyang tanong rito. “More than two years ago, Miggy, I’m sorry!” tugon nito sa kanya, tumingin ito sa kanyang pamilya. “We will prepare everything for now, I’m afraid na kung dadalhin namin siya sa Vasquez Hospital ay mas malagay sa panganib ang buhay ni Calleigh. For now, mas makabuting di na siya ibiyahe,” anito. “Do what you think is best for her,” ang kanyang Papa ang sumagot kay Luke. “Opo Papa!” sagot nito, tinapik nito ang kanyang balikat at pumasok na sa loob ng Villa. “Sofia ang apo ko?” baling ng kanilang Papa sa Ate Sofia niya. “He is okay Papa, he is healthy, but we still need to conduct a Newborn screening,” tugon nito. Nanghihinang napaupo siya, pakiramdam niya ay para ng sasabog ang dibdib niya sa mga nalaman niya. Una ang muling pagkikita nila ni Calleigh, ang biglaang panganganak nito at ngayon naman ang kalagayan ni Calleigh. Nang maiayos na ang Villa ay nagmistulang hospital suite ito. Ang isang room ay ang naging nursery ng kanyang anak. Ang mga hipag niya ang kasalukuyang nagbabantay sa kanyang anak. Hawak ang kamay ni Calleigh, pinipiga ang kanyang puso na makita ang mga medical equipment na nakakabit dito. “Wake up sweetheart, Calix Miguel is waiting for y-you,” garalgal ang tinig na kausap niya rito. Masuyong hinagkan niya ang mga kamay ni Calleigh, napabuntong hininga si Juan Miguel. Haharapin na niya ang kanyang pamilya at hindi niya alam kung mauunawaan ng mga ito ang paglilihim niya. Nasa living room silang lahat, ang abuelo at abuela niya ay katabi ang Mama at Papa niya. Ang Kuya Brandon niya ay katabi ang hipag na si Blanca na katapat naman si Kyle at Lexie. Nasa kabilang couch si Sofia at Luke, ganoon din si DJ, maging ang kambal na sina Ezekiel at Essex. Ang Ate Sofia niya ang bumasag sa kanilang pananahimik. “I don’t understand Juan Miguel! Paano mo nagawang iwan si Calleigh at harapin ang lahat ng kahihiyan ng mag-isa gayong ikaw pala ang JM na tinutukoy niya?” galit na tanong sa kanya ng Ate Sofia niya. “Sofia!” saway ng kanyang Mama rito, “Please hija, calm yourself,” anito. “How can I calm down Mama, saksi ako sa paghihirap ni C-cal. Halos magmakaawa ako sa kanya para wag niyang ituloy ang pinagbubuntis niya pero nagmatigas s-siya,” pumiyok ang tinig nito. “Ate!” usal niya. “Alam mo kung anong nirason niya sa akin, alam niya daw na magiging mabuting ama ka! Umaasa siya na ang magiging anak ninyo ang papawi sa lahat ng sakit ng damdamin mo. Pinapangako niya ako na kung may mangyari sa kanya I will look for you and I’m so stupid dahil kapatid ko pa pala ang taong nanakit sa bestfriend ko!” punong-puno ng matinding emosyong wika nito sa kanya. “I have no idea na buntis siya Ate, she left me,” mahinang wika niya. “Dahil sinaktan mo siya!” galit na sigaw nito sa kanya. “Sofia hija, deja que tu hermano explique,” wika ng kanilang lolo. (Let your brother explain) “Abuelo, no hay nada que explicar,” naluluhang tugon nito. (Grandpa, there’s nothing to explain) Muli siyang sinulyapan ng kapatid, “You have no idea, kung ano ang pinagdaanan ni Cal, alam mo bang sa resthouse ng pamilya ni Luke siya nakatira,” hayag nito. Tigagal siya sa hinayag ng kapatid. “What?” gulat na tanong niya. “She gave up everything Miggy, lahat lahat isinugal niya para sa anak ninyo, even her own life,” lumuluhang wika nito, inakbayan ito ni Luke at pilit pinapatahan. Napasabunot siya sa kanyang buhok, naninikip ang kanyang dibdib, dahil sa mga narinig niyang isiniwalat ng Ate Sofia niya. Marahil ay tama ang kanyang kapatid, kasalanan niya ang mga nangyari. Unti-unting nagbalik ang mga ala-alang kahit saaglit ay di nawala sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD