“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Calleigh sa kanya. “Maayos-ayos na, sweetheart,” nakangiting tugon niya. Sinalat nito ang kanyang noo at leeg, “May kunting sinat ka pa,” nag-aalalang wika nito sa kanya. “Pagaling na ako, mahusay ang aking doktor,” nakangising sabi niya sa asawa. Naiiling na inalalayan siya nitong makaupo at makasandal. Medyo masakit pa din ang kanyang mga kalamnan at medyo paos pa din ang kanyang tinig. Nauwi nga sa trangkaso ang kanyang nararamdaman. Magdamag siyang binantayan at inalagaan ng kanyang asawa. “Kumain ka muna nitong niluto kong arroz caldo para makainom ka ng gamot mo,” sabi nito sa kanya. Nakangiting tumango siya sa asawa, nagsimula itong subuan siya. Halos maubos niya ang niluto nitong arroz caldo. Pinainom siya nito ng gamot pagkatapos niy

