Niyaya siya ni Claude na lumabas, kaya sumunod naman siya dito. Tumigil sila sa may puno ng mangga na nasa gilid ng bahay nila, may dalawa upuan dito na gawa sa simento at sa gitna nito ay isang table na gawa din sa simento, idinesign ito na mukhang putol na katawan ng puno kaya saktong-sakto lang na iniligay ito sa silong ng mangga. Kinakabahan siya sa sasabihin nito, at kung ano ang malalaman niya base sa nakita niyang reaction ng pamilya niya at kung paano pakitunguhan ng Mama nito ang kanyang magulang. Sa katahimikang namagitan sa kanila ay bigla itong tumawa. “Hahaha... bakit ganyan ang itsura mo, wala naman akong gagawin sa’yo, hindi ako nangangain ng tao.” Biro nito. “Kung may sasabihin ka sabihin mo na.” aniya dito at nag-iwas ng tingin, parang binabayo ang dibdib niya sa sobra

