“Whooosh!” “Ayyy!” nagulat si Dana ng biglang may umihip sa kanyang tenga kaya nangati ito at kinamot niya. “Hi!” nakangising kumaway pa sa kanya si Claude. Inirapan lang niya ito at nilagpasan, saka tinuloy ang kanyang ginagawa. Halos mag-iisang buwan na mula ng bumalik siya sa restaurant, tuwang-tuwa naman ang mga dati niyang kasamahan maliban sa isa at iyon ay si Trish. “Bakit hindi mo pa rin ako pinapansin, akala ko ba ay okay na tayo?” anito at lumabi pa sa kanya. Naiirita naman siya sa pagpapa-cute nito, hindi bagay dahil sanay siyang makita itong seryoso. Kahit na sinabi na nito ang ilan alaala nakalimutan daw niya ay hindi pa rin talaga niya maalala ang mga sinabi nito sa kanya. “Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi ka pa rin naniniwala sa mga sinabi ko sa’yo?” anito at patuloy

