Chapter 23

2004 Words
Ang bilis ng panahon, hindi namalayan ni Dana na buwan na rin pala ang lumipas matapos ang operasyon niya, at ngayong araw tatanggalin ang benda sa kanyang mata. Kinakabahan na na-e-excite siya, ang araw kasi na iyon ang pinakahihintay niya dahil makaka-kilos na ulit siya ng normal, at muli na niyang masisilayan ang pamilya niya at higit sa lahat makikita na niyang muli si Claude. Dahil ang huli nilang pagkikita ay iyon ihatid siya nito sa silid niya kung saan siya naka-admit. At mula din ng araw na iyon ay wala na siyang narinig pa na balita tungkol sa binata. Malungkot siya dahil pakiramdam niya ay pilit silang pinaglalayo ng tadhana, lagi na lang mailap ito na magkaroon sila ng pagkakataon na magkita silang dalawa. At kung magkita naman sila laging saglit lang dahil lagi na lang mainit ang ulo o di kaya ay sinusungitan siya, miss na miss na niya ang Claude na mabait at sweet sa kanya. Simula kasi ng araw na iyon nawalan na ito ng panahon sa kanya. Hindi niya alam kung bakit o sadyang busy lang talaga ito? “Anak, nandito na ang doctor mo, handa ka na ba?” nagulat pa siya ng biglang pumasok ang kanyang Mama kasabay nito ang doctor at nurse. “Oo Ma, handa na ako.” Kinakabahan niyang sagot. “Kamusta naman iha ang pakiramdam mo?” tanong nang doctor. “Maayos naman doc. Salamat!” saka niya ito nginitian. “Okay, handa ka na ba Dana?” muli nitong tanong. “Handa na po doc.” Sagot niya. Dahan-dahan nitong tinanggal ang benda na nakapabilot sa kanya, nanlalamig ang kamay niya sa kaba. “Mag relax ka lang iha,” natatawang sabi ng doctor sa kanya. “Huwag kang kabahan, ako lang naman ang una mong makikita, hindi si Tom Cruz.” Pabiro pa nito sa kanya. Natawa naman siya sa biro nito, “Sayang naman po, kala ko si Tom Cruz na ang makikita ko, hihi.” Ganting biro niya, na kinatawa na din ng mga kasama nila sa loob. Manipis na tela na lang ang nasa mata niya, at iyon na ang pinaka huli na tatanggalin ng doctor niya. Nang matanggal ay hindi muna siya nito pinadilat. “Okay iha, dahan-dahan lang ang pagdilat mo, huwag mong biglain.” Sabi nito. “Okay dahan-dahan.” Sabi nito na sinunod niya. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata, pero ganon pa din, madilim. Pinikit niyang muli ang mata, pagdilat niya ay ganoon pa din. “Doc. Wala naman akong makita, ganoon pa din walang pagbabago madilim pa din.” “Muli mong idilat ang iyong mata at dahan-dahan lang,” ganoon nga ang ginawa niya, “Ano, may nakikita ka na ba?” natuwa siya kahit papaano, dahil may liwanag na siyang nakikita. “Dana, ulitin mo ulit ang pagpikit at pagdilat mo, pero sa pagkakataon na ito, medyo tagalan mo ang pagpikit mo at dahan-dahan mong idilat ang mata mo.” Ganoon nga ang kanyang ginawa, dahan-dahan at tumitig siya ng matagal, hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil nakikita na niya ang mga nakapaligid sa kanya, medyo blured pa nga lang pero nakikita na niya ang mga ito. Sa sobrang saya niya ay tuluyan nang tumulo ang kanyang luha, akma niyang papahirin ito ng biglang pigiling ng doctor ang kanyang kamay. “Iyan ang huwag mong gagawin, ang kusutin ang iyong mata kung ayaw mong mabulag muli.” Nakangiting paalala nito. “Sorry doc. Sobrang na excite lang ako.” Sabi niya na inabot ang tissue na inigay sa kanya. Maingat ang ginawa niyang pagpahid, dahil ayaw niyang ma-damage ang kanyang mata. “Kamusta? Blured pa ba ang mga nakikita mo?” “Medyo pa doc. Pero masaya ako dahil nakikita ko nang muli ang nasa paligid ko.” Aniya na pinigilang muli ang sarili na maiyak muli. Tumalikod ito at may kinuha sa nurse, pag-harap ay may hawak na itong salamin. “Ito, kailangan masuot mo ito hanggang sa tuluyan nang gumaling yang mata mo, para din hindi malagyan gaano ng alikabok na magdulot ng pangangati ng mata, para din maiwasan na ma-iritate ito.” bilin nito sa kanya. Matapos ang mga bilin ng doctor ay umalis na din ito, hindi nagtagal ay dumating naman ang kanyang mga kaibigan. “Beshy!” tili ni Rona, “Ano, nata-tandaan mo pa ba ang beauty ko?” tanong nito na ikina-ngiti niya. “Hala, Dana ang saya-saya ko para sayo,” naluluha naman sabi ni April na magkasalikop pa ang kamay at na ngingilid ang luha. “Hmmp! Overacting lang ang peg,” pang-aasar naman ni Rose sabay tawa. “Pero alam mo besh, super saya talaga namin para sa’yo.” Sabay hawak sa kanyang kamay. “Girls, maiwan muna namin kayo, dahil aasikasuhin lang namin ang discharge nitong si Dana.” Paalam ng mama niya, kasama ang kanyang Ama. “Sige po Tita, Tito, kame na po muna ang bahala sa kaibigan namin.” Ani Rona, saka lumabas na ang magulang. “Ano Dana, kamusta sa pakiramdam na makakitang muli,” ngisi ni Rose. “Ay! Naku Dana, ingatan mo na yang sarili mo, baka sa susunod ay matuluyan ka na at hindi lang iyang mata mo.” Pangaral ni Rona. “Opo, Nanay.” Biro niya sa kaibigan. “Oy, ikaw babae, seryoso kame, ingatan mo na yang sarili mo.” Singit ni April. “Ito kasing babae na ito e, kung bakit nagmamadaling magmaneho. Bakit pala sobra kang nagmamadali noong time na iyon, yan tuloy na disgrasya ka?” tanong ni Rose sa kanya. Ang saya niya kanina ng makita ng mga kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa naalala na naman niya ang binata, wala siyang balita dito. “Ah.. guys, may balita ba kayo kay Claude?” paglilihis niya ng kanilang usapan. Sa tanong niyang iyon ay bigla naman ang mananahimik ng mga ito. “Oh, bakit naman kayo na tahimik? Tinanong ko lang naman kung kamusta na siya?” pero ni isa sa mga kaibigan niya ay hindi nagsalita. “May alam ba kayo na hindi ko nalalaman?” hindi na niya mapigilan ang sarili na tanungin ito. “Ano kasi... Dana, haist, paano ba namin sasabihin sa iyo!” napansin niya na hindi mapakali ang mga ito. Sa pagkakataong iyon, ay medyo maayos na ang tingin niya sa kanyang paligid, kaya nakikita na rin niya kung paano pagpawisan ang mga kaibigan. “Guys... ano? Ano ang alam ninyo na hindi ko alam?” hindi mapakali niyang tanong. “Dana kasi... ano—“ ani Rose na hindi maituloy-tuloy ang sasabihin. Magtatanong sana siyang muli ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang kanyang mga magulang. “Anak, ready ka nang umuwi?” excited na tanong ng kanyang Mama. Nakangiting bungad nito sa kanya. “Ready na po ako, pero may kailangan lang po kasi akong linawin sa kanila,” sabay turo sa mga kaibingan. “Naku Beshy, mabuti pa nga na magpahinga ka na kasi makakasama na mabinat iyang mata mo,” iwas nito sa usapan nila. Wala na siyang nagawa kasi kailangan na rin nilang maka-uwi at pakiramdam din n’ya ay medyo pagod na ang mga mata niya. Pasalamat talaga itong mga kaibagan niya, siguro sa ibang araw na lang niya kukulitin ang mga ito. ang mahalaga ay maipahinga niya ang mata. Nang makarating sa bahay ay hindi mapukaw ang tuwa ng kanyang bunsong kapatid, wala ang kuya niya kasi lagi na lang iyon busy, hindi na nga niya nakakausap ito e, hindi kasi ito mapirme sa bahay nila. “Anak, pahinga mo muna yang mata mo, mabuti pa siguro na matulog ka na.” sabi ng kanyang Mama. “Ma naman, alas-tres pa lang ng hapon, papatuluin mo na agad ako.” Lumabi siya sa Mama niya. “Wala ka na rin naman ibang gagawin e, kaya mabuti pa ngang pumasok ka nalang muna sa kwarto mo. Tatawagin ka na lang namin pagkakain na tayo.” Sabi naman ng kanyang Papa na kakapasok lang sa bahay, matapos iparada ang sasakyan nito. Wala na siyang nagawa, pinagtulungan na siya ng Mama at Papa niya kaya naman ay sumunod na lang siya. Nahiga siya sa kama. “Iba pala ang pakiramdan na humiga ka ng may kikita sa paligid at sa humiga ka ng madilim,” bulong niya sa sarili. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siya, nagulat na lang siya bigla ng pakiramdam niya na nahulod siya sa napaka-lalim habang hinahabol niya si Claude. Bigla siyang napa-bangon, at dahil sa pagkabigla ay bahagya siyang nahilo, napayuko at napahawak siya sa kanyang ulo. “Ano bang klaseng panaginip iyon?” aniya saka marahang tumayo, nakaramdam din kasi siya ng pagka-uhaw. Napa-atras pa siya at muling nilingon ang bintana. Napangiti siya, “Nakatulog pala ako. Gabi na pala?” napatingin siya sa tiyan niya ng bigla itong kumulo. Bumama na siya dahil bukod sa nauuhaw siya ay nagwawala na din ang kanyang mga alaga sa tiyan niya. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, nang maulinigan ang usapan ng kanyang kuya at magulang. “Wala na tayong magagawa kung iyan ang desisyon nila, pero kailangan ba talaga na ikaw ang papuntahin doon?” narinig niyang tanong ng kanyang Papa sa kuya niya. “Oo Pa, doon na nila ako nilagay sa head office.” Sagot ng kapatid niya. “Pero sino naman ang papalit sa iyo, sa restaurant?” anang kanyang Mama. “Siya, siya ang papalit sa akin,” sabi nang kuya niya na hindi niya matukoy kung sinong siya iyon? Halos magkasabay naman ang buntong hininga nang kanyang Papa at Mama. “Paano pala natin ngayon sasabihin kay Dana ang nangyari?” malungkot na tanong ng Ina niya. Anong sasabihin? Tanong sa loob-loob niya. “Nanghihinyang ako sa batang iyon, napaka-labing at napaka-bait na bata. Kaya lang wala naman tayong magagawa e, kung hanggang doon na lang talaga siya.” Saka isang malalim na buntong hininga ng kanyang Mama. “Ano na nga ang pangalan ng batang iyon?” tanong ng Papa niya. “Ang tawag sa kanya ni Dana Claude,” sagot ng kuya niya. Bigla naman siyang kinabahan at napaisip, kung bakit pinag-uusapan ng pamilya niya si Claude. “Haist, Napaka-bait niya talaga, dahil sa huling sandali ng buhay niya ay naisip pa niya ang kapatid mo, at ngayon nakaka-kita na si Dana. Malungkot at nanghihinyang sa nangyari sa kaibigan ng kapatid mo, pero masaya na rin ako para sa kapatid mo.” “Pa, hinaan mo lang ang boses mo baka marinig ka ni Dana, hindi pwedeng malaman itoni Dana, may tamang oras para diyan.” Pigil ng kanyang kuya. Pero siya, na nakikinig ay napatulala na lang sa kawalan, hindi siya makapaniwala sa narinig, para siyang nanigas sa isang gilid. Napaupo siya, nagulat naman ang pamilya niya sa narinig na kalabog at mga nagmamadaling pumunta sa kinaroroona niya. Nakita siya na nakasalampak ang hindi ma-ampat ang luha na patuloy ang pagpatak. Bigla parang lumaki ang kanyang ulo, pakiramdam niya ay babagsak ito sa sahig. “Danaaa— anak anong nangyari sa iyo, bakit ganyan ang itsura mo?”nag-aalala lumapit ang Mama niya para tulungan siyang makatayo. “Ma, anong nangyari kay Claude?” aniya na patuloy sa pag-iyak. “N-narinig m-mo?” hindi na uutal nitong tanong. “Anak, kumalma ka lang, bawal sa iyo ang masyadong umiyak, tahanan na!” saka siya inalayang ng kanyang Papa na maka-upo sa sofa. “Pa... Ma... Kuya, sabihin ninyo sa akin, anong nangyari sa kanya?” Pero tahimik lang ang mga ito. “Kumalma ka muna anak, saka namin sayo sasabihin,” anang kanyang Mama, pero paano siya kakalma, kung sinasabi ng mga ito na wala na si Claude. Nakatulala siyang nagpatianod sa pag-alala ni magulang niya at ang kapatid niya ay tahimik lang din na naka-alalay sa kanyang likod. Paanong wala na si Claude parang kailan lang ay kausap niya ito, naguguluhan na din siya, ang kuya nito ang wala na diba? Bakit ngayon sinasabi nilang wala na din ang binata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD