Successful ang operation ni Dana, at makakalabas na din siya ng ospital pero kailangan niya muna mag-stay ng dalawang araw bago tuluyang makauwi.
Halos buong araw na siyang nasa loob lang ng kawarto niya, lumabas ang Mama niya at hindi niya alam kung saan ito ng punta.
Lumabas siya ng kwarto dahil naisip niya na kung sakaling hindi niya mahanap ito pwede naman siyang magpatulong sa mga nurse na makakasalubong niya, gusto lang kasi talaga niyang lumabas ng kwarto niya.
Kinapa-kapa niya ang daan niya palabas, nang may mabangga siya.
“Oh! Sorry, saan ka ba iha pupunta, wala ka bang bantay at lumabas ka ng ganyan ang kalagayan mo?” nag-aalalang tanong nito, ang hinala niya ay nasa sixty na ang edad ng matandang lalaki base sa boses nito.
“Pasensya na po, naiinip kasi ako sa kwarto ko, balak ko sanang magpunta sa chapel ng hospital na ito.” sagot niya dito.
“Tamang-tama kasi doon din ang punta ko,” anito na medyo lumungkot ang tono nito.
“May problema po ba kayo?” tanong niya.
“Wala naman ito kasi ang huling araw ng aking anak sa chapel na ito, iuuwi na namin siya.” Anito at inalalayan siya.
“Sorry po,” hingi niya nag paumanhin dahil hindi niya alam na may pinagdadaan pala ito.
Tumawa ito, “Bakit ka humihingi ng paumanhin, siya nga pala, anong nagyari jan sa mata mo?”
“Ah! Ito po,” sabay hawak niya sa kanyang mata na naka-benda, “Kakatapos lang po ng operasyon ko, naaksidente po kasi ako dahilan ng pagkabulag ko, pero ngayon, kaunting panahon na lang ang iintayin ko at makaka-kita na akong muli,” aniya na napapa-ngiti, “ Kaya po gusto kong magpunta sa chapel para makapag-pasalamat.”
“Masaya ako para sa iyo, alam mo bang isa ang anak ko sa donor sa ospital na ito, kahit sa kahuli-hulihang sandali ng buhay niya, mas pinili pa rin niyang makatulong sa iba.” Kahit hindi niya ito nakikita pakiramdam niya ay nakangiti ito.
“Talaga po? Ang swerte ninyo sa anak niyo kasi isa siyang bayani, pwede o po bang malaman kung ano ang dinonate niya?”
Hindi agad ito na kasagot, akala niya ay hindi na siya nito sasagutin, pero hinawakan nito ang kanyang mata na nakabenda.
“Idi-no-nate niya ang kanyang mata.”
Nagulat naman siya sa sinabi ng matanda, “Baka po siya ang donor ko?” gulat na tanong niya.
Tumawa ito, “Hindi ako sigurado dyan iha, ang isang anak ko kasi ang nag-asikaso, at sa policy ng hospital na ito ay bawal i-reveal ang pagkakakilanlan ng donor at ng kanyang recipient, kaya maski ako ay hindi ko alam kung sino ang tumanggap sa mata ng anak ko.” Paliwanag nito.
“Isa din po iyon sa dahilan kung bakit ko gustong magpunta sa chapel, kasi hindi ko kilala kung sino ang nagbigay sa akin ng isa pang pagkakataon para makakitang muli, kaya kahit sa dasal gusto kong magpasalamat sa kanya.” Malungkot pero nakangiti niyang sagot.
“Malapit na tayo, pero baka hindi na kita masamahan pa. kaya mo na ba ang sarili mo?” nag-aalalang tanong nito.
“Kaya ko na po ang sarili ko, maraming salamat po sa pag-alalay sa akin.” Aniya bago siya ito iwan.
Matapos maka-upo ay tahimik na nag-usal ng dasal si Dana, wala siyang alam sa nangyayari sa paligid niya, hindi din niya alam na may nakatingin sa kanya, at pinagmamasdan siya pagpasok pa lang nila sa chapel na iyon.
Patapos mag-dasal ni Dana ay hindi agad siya umalis, gusto muna niyang manatili sa lugar na iyon, ng maulinigan niya ang isang ginang na umiiyak. Sa tingin niya ay nasa kabilang pinto ito katabi ng chapel.
Tumayo siya at kinapa ang daan palabas, at nanatili lang siyang nakatayo sa labas malapit sa pinto katabi ng chapel na nilabasan niya, saka pinakinggan ang usapan ng mga tao.
“Kawawa naman siya talaga, napaka-bata pa niya para mawala agad sa mundo,” anang lalaki.
“Tama ka, pero wala na tayong magagawa pa kasi bata pa lang siya ay sakitin na talaga siya, maganda na rin siguro ang nangyari kasi sa tagal ng panahon na nilabanan niya ang kanyang sakit, panahon na din para magpahinga na siya,” malungkot nitong sabi sa kausap.
“Haist, yun na nga kaso nakakapang-hinayang lang talaga.” napatayo naman siya ng diretso ng biglang dumaan ang mga ito sa tabi niya,, kahit hind niya nakikita ang mga ito, alam niya na nakatingin ang mga ito sa kanya.
“Excuse me, may kailangan ka ba? Kailangan mo ba ng tulong?” tanong pa ng lalaki sa kanya.
“A-ah, hindi po, kaya ko na po ang sarili ko.” Nginitian niya ito.
“Sigurado ka, alam mo ba kung saan ka pupunta?” paniniguro ng mga ito sa kanya.
“Opo, kabisado ko na po ang bahaging ito ng ospital, Salamat po ulit.” Sagot niya.
“Kung ganoon ay mag-ingat ka sa paglakad mo baka mapatid ka, mauna na kame sa’yo.”
“Sige po, salamat.”
Aalis na sana siya ng marinig niya ang iyak muli nga ginang na narinig niya kanina.
“Claude anak, ang kuya mo. Hindi ko matanggap na iniwan na niya tayo.” Nagulat naman siya sa narinig.
Hindi siya maka-paniwala, tama ba ang kanyang narinig. Nandoon si Claude? Hindi siya makapaniwala talaga, gusto niyang makasigurado baka kasi nagkamali lang siya ng rinig, kaya kinapa niya ang pinto papasok kung nasaan ang mga ito.
“Ma, kahit naman ako, hindi ko tanggap pero wala na tayong magagwa pa, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Tanggapin na lang natin ang katotohanan na iniwan na tayo ni kuya.” Nanindig ang balahibo ni Dana sa narinig ang boses ng binata, napatigil siya sa paglalakad.
Si Claude nga! Anong nangyari sa kuya nito? Kaya siguro masama ang mood nito ng mga nakaraan araw dahil may malaking problema ito, pero nagawa pa siya nitong puntahan kahit ganito na ang sitwasyon nito. Aniya sa sarili.
Parang gusto niyang umiyak dahil sa pinagdadaanan nito, pinag-isipan pa niya ito ng hindi maganda, sinungitan pa niya ito, pero ang hindi niya alam ay may malaking problema pala itong pinag-dadaan. Naramdaman na lang niya ang mainit na luha na tumulo mula sa benda na nakapalibot sa kanyang mata.
Bawal siyang umiyak, pero hindi niya mapigilan ang sarili na hindi maiyak sa nalaman niya.
Dinamayan siya ng binata, pero siya hindi niya ito magawang damayan. Napakalaki niyang tanga para hindi mahalata ang prolemang pinag-dadaan nito.
Hindi niya namalayan na, naglakad siya papasok sa loob, nagulat na lang siyang nang biglang may kamay na humawak sa kanya. Sobrang higpit ng hawak na iyon, kaya napa-aray siya.
Agad din namang lumuwag ang pagkaka-hawak nito sa kanya.
“Anong ginagawa dito? Paano kang nakarating dito?” sunod-sunod nitong tanong sa malamig na tono.
“Claude, ikaw ba yan? A-ahh... masakit, bitiwan mo ang braso ko,” mahina niyang sabi dito.
“Nakikiramay ako, hindi ko a-alam.. s-sorry kung nasungitan kita, hindi ko kasi alam na may pinagdadaanan ka,” hindi niya ng paumanhin dito.
“Hindi ito ang oras para sa ganyan, bumalik ka na sa kwarto mo.” Anito na malamig pa sa yelo nitong pakikitungo sa kanya.
Sobrang nasaktan siya the way siyang kausapin nito, ibang-iba na talaga ito Claude na nakilala niya, sa maiikling panahon lang na hindi niya ito nakasama e, sobrang laki na agad ng pinag-bago nito, tuluyan na talagang nawala ang mabait na si Claude, ang isang bahagi na lang nito ang nanatili, pero ganon pa man, nanatili pa rin ito sa kanyang puso dahil parte pa din ito ng katauhan ng lalaking minahal niya at umuukopa sa kalahati ng kanyang puso.
Patuloy pa rin niya itong iintindihin!
“Bumalik ka na sa kwarto mo, ihahatid na kita.” Nasa tono pa din nito ang lamig nag pakikitungo nito sa kanya. Bumaling ito sa kanyang Mama upang ipaalam na ihhatid muna siya nito.
“Hindi na kailangan, mas kailangan ka dito. Pwede naman akong makisuyo sa mga nurse na nandito.” Nahihiya niyang sagot.
“P’wede ba na wang nang matigas ang ulo mo, sumunod ka na lang.” malamig niyang sagot.
Habang naglalakad sila pabalik ng kwarto niya, hindi niya napigiling tanungin ito.
“P’wede bang malaman kung ano ang nangyari sa kuya mo?” aniya pero hindi ito nagsalita.
Pero dahil sobrang curious, hindi niya ito tinigilan, gusto lang talaga niyang malaman. Kaya naman dahil sa kakulitan niya ay napilitan siyang sabihin sa inyo.
“Bata pa lang siya ay na-aksident siya kaya, matagal na syang may sakit.” Iyon lang at binuksan nito ang pinto. At inalayan siyang maka-upo.
Kahit na malamig ang pakikitungo sa kanya, ay hindi na lang niya pinansin dahil alam niya na maypinagdadaan ito.
Hanggang sa maka-alis ito sa kwarto niya, ay hindi mawala sa isip niya ang sitwasyon nito. Saka niya na isip na hindi pa pala niya nakikita sa personal ang kuya nito, dahil ang pagkaka-alam niya ay busy ito sa negosyo nila.
Nalulungkot siya para sa binata, pero wala naman siyang magawa dahil kahit siya mismo ay alagain. Babawi ako! aniya sa sarili.