Dana’s POV Nakaramdam si Dana ng lamig dahil sa nilalabas ng aircon, hinanap niya ang kanyang kumot pero wala siyang nakapa. Inunat niya ang kamay habang nakapikit upang mahanap ang kumot niya, pero tumama lang ang likod ng palad niya sa kanto ng lamesa na pinag-tataka niya, dahil walang table sa tabi kama niya. Napadilat siya at nag-taka pag-kakita pa lang sa loob ng kwarto na iyon, “Nasaan ako hindi ito ang kwarto ko,” aniya sa sarili, laking gulat n’ya ng makita ang kabuuan at na pagtanto na hindi niya iyon kwarto, medyo nahihilo pa din kasi siya kaya pumukit muna siya. Nang may naulinigan siyang lalaking nagsasalita na tila may kausap sa telepono, bahagyang naka bukas ang pinto ng kwarto kaya medyo naririnig niya ito. “Opo, Tito. Opo— nagkita po kame sa bar. Sige po... dito na lan

