Hilam ng luha na lumabas ng bahay si Dana, sumakay siya ng taxi pero agad din siyang bumaba. “Kuya saglit lang po, bababa po ako hindi ko po pala dala ang wallet ko.” Aniya na medyo mahina ang boses. “Bakit hija, may problema ka ba?” usisa nito. “Wala lang po ito, nagtampo lang po ako kay Mama, kaya gusto ko lang po sana na maglabas ng sama ng loob pansamantala.” Aniya na hindi na mapigilan ang pag-iyak. Buti na lang din at mabait ang driver at hinayaan muna siyang umiyak at hindi siya pinababa, siya na lang ang nahiya at pinilit na pakalmahin ang sarili. “Salamat po manong, jan na lang po ako sa bookstore na iyan.” Aniya saka siya bumaba pagtigil nito. “Salamat po talaga at pasensya na rin po sa abala.” Aniya “Walang anuman, pero ‘wag mo ng patagalin pa kung ano man iyang hindi nyo

