Dana’s POV “Maaa,” tawag ni Dana sa kanyang ina. “Ano ba iyon, kung makasigaw ka naman jan,” naiiritang sagot ng Mama niya. “Hinahanap ko kasi yung mga notes ko no’ng college, meron kasi akong kailangang tinginan don eh.” Tanong niya sa kanyang Mama. “Check mo nga sa attic, naglinis kasi ako noong nakaraan baka nailagay ko doon.” Sigaw din ng Mama niya. “Sige Ma... salamat.” Saka siya umakyat sa attic. Pag-akyat niya sa attic at hinanap ang mga gamit niya, isang box ang pumukaw sa kanyang atensyon. Kinuha niya ito at tiningnan. Mga damit ito ng pambata mula siguro ng ipanganak at hanggang sa pre-school na ito, kasama ang dalawa lalaki na kalaro niya. kinuha niya ang mga larawan nito, kasama nito ang dalawang batang lalaki na halatang nag-e-enjoy sa kanilang laro. Nakatalikod ang bat

