Chapter 31

1586 Words
Pagbalik ni Claude sa kusina ay agad niyang narinig ang sigaw ni Trish na may pinapagalitan. “Ano simpleng utos, hindi mo magawa ng maayos.” Galit na galit ang tono ng pananalita nito. “Chef Trish, paki hinaan ang boses mo dahil naririnig ka ng mga customer, nakakahiya!” narinig niyang saway ni Chef Siri, hindi niya alam kung sino ang pinapagalitan nito. “Chef, ‘wag mo nang ipagtanggol pa ang babae na iyan, paano s’ya matutuo kung ganyan na ipagtatanggol n’yo s’ya. Isa pa chef baka nakakalimutan mo na hindi na ikaw ang head dito.” Anito na mukhang si Chef Siri naman ang gusto nitong awayin. Pero bago pa siya tuluyang makapasok ay narinig niya ang boses ni Dana na halatang nahihirapan magsalita dahil sa pinipigil nito na h’wag pumiyok. “Chef Trish, sorry alam ko talaga na linis ko na iyon e, hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga kalat na iyon.” Anito. “So ano ang ibig mong sabihin nagumagawa lang ako ng kwento, alam mong restaurant ito at dapat malinis hindi lang dito sa kusina pati na ang paligid nito. O baka naman gusto mong sabihin na kusang naglakad ang mga basura na iyon at kusa sila kumalat sa daan.” Anito na napaka sarkastiko ang tono. “Hindi naman po, wala po akong sinabi na gumagawa kayo ng k’wento, ang gusto ko lang sabihin ay baka kinalat ng mga hayop na gala. Pero sigurado din po ako na iniwan ko iyon na malinis.” Paliwanag nito. “Anong kaguluhan nito, hindi ba kayo na hihiya hanggang sa labas naririg iyang mga pagtatalo n’yo.” Aniya nang bigla siyang pumasok, lahat ng nasa kusina ay nakamata lang sa bigla niyang pagpasok. “Ito kasi,” ani Tish na tinuro ang nakayukong si Dana. “O ano naman ang ginawa mo Dana?” aniya na may konting inis sa tinig niya. Dahil sa nakikita niyang sitwasyon sa kusina. “Mr. Claude, hindi naman sa pinagtatanggol ko si Dana. Inutusan kasi ni Chef itong si Dana na linisin ang basura salabas. Walang nakakalam kung sino ang nagkalat ulit doon.” Paliwanag ni Chef Siri. “Basurahan sa labas? Bakit siya ang inutusan mo meron naman tayong janitor na dapat na naglilinis noon Tish?” Naiinis na niyang tanong. “Alam mo na pagkain ang hinahawakan niya tapos paglilinisin mo ng basurahan? Trish ano na naman kalokohan iyon?” aniya na hindi na niya napigilan ang tuluyang mairita, marami na siyang iniisip na problema dumadagdag pa itong spoiled brat na si Trish. “Sige, kaya malakas ang loob ng isang iyan e. kinakampihan niyo.” Galit nitong pinasadahan ng tingin ang nakayuko pa ring si Dana. “Masama-sama kayo!” saka ito lumabas ng kusina. Naiiling na lang siya sa pinapakitang pagmamaldita na naman nito, pero bago siya lumabas na rin sa kusina ay tumingin siya na hindi pa rin tumitinag na si Dana sa pagkakayuko. “Oh! Ano pa ang tinutunganga mo jan.” aniya dito na mukhang napalakas ang pagkakasabi niya dahil nagulat ito, agad itong bumalik sa pwesto niya. “Kayo, kilos na! hindi kayo nandito para manuod ng drama.” Pagka-sabi niya ay agad naman nagsibalik sa kani-kanilang pwesto, muli siyang tumingin kay Dana na napansin niyang napupunas ng luha. Naiiling na lang siya saka tuluyan ng umalis sa kusina. Pagkaupo pa lang niya sa kanya opisina ay napahawak at hinilot-hilot niya ang kanyang sintido, pakiramdam kasi niya ay mabibiyak na ang kanyang ulo sa stress, dumagdag pa itong si Tish na hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Dana sa kanya bakit ito inis na inis sa dalaga. Pumikit siya at sinandal ang ulo sa upuan, gusto lang kasi niyang ipahinga ang isip niya. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na siya sa kanyang trabaho. Namulat siya sa paghawak negosyo nila, madalas noong nag-aaral pa siya pagkatapos ng klase ay dumidiretso siya sa opisina ng ama. Para paunti-unti ay matutunan niya ang pagpapatakbo nito. Naubos ang maghapon niya sa loob lang ng opisina niya, madalang lang siyang lumabas dahil may humahawak naman sa kusina. Paglabas niya ng opisina niya ay labasan na rin ng mga empleyado, ilan sa kanila ay naka-alis na kaya kakaunti na lang ang natira sa loob. Mga nag-uusap usap ang mga ito at mukhang hindi siya napansin, at patuloy pa rin sa daldalan. “Alam mo parang naawa na ako kay Dana, ano kaya ang dahilan at lagi siyang pinagiinitan ng bagong head Chef?” sabi ng isang employee. “Kaya nga e, parang galit na gait si chef Trish sa kanya. Kanina dumating lang si Sir Claude kaya umalis. Pero pag-alis binalikan niya si Dana.” “Naku kapag si Dana napuno, baka daganan na lang siya nito. Hahahaha.” Sabay pa halos ang pagtawa ng mga ito. hindi din niya alam kung bakit mabigat ang dugo ni Trish kay Dana at ganoon na lang ang trato sa isa. “Good evening Sir Claude!” bati ng isang empleyado sa kanya. “Good evening,” ganting bati niya dito. Saka lumapit sa dalawang empleyado na kanina ay pinauusapan si Dana. “Grace, Chona... nakita n’yo ba si Dana?” tanong nito. “Hindi Jessie e, nauna kame sa kanya na lumabas.” Anito na hindi niya alam kung sino si Grace o Chona. “Kala namin naiwan pa siya sa loob?” “Wala s’ya doon, ako kasi ang huling lumabas e. akala ko ay umalis na siya.” “Ah, baka nasa labas na yun, habulin mo na lang siguradong nandiyan pa iyon at hindi pa nakakalayo, dahil sa hirap iyon maglakad.” anito na halatang nagpipigil ng tawa. Nagtaka naman siya kung saan nagpunta ang dalaga. “Sinong hinahanap n’yo?” anang isang lalaki na papalapit sa kanila. “Good evening sir.” Bati nito bago lumapit din sa sinusundan niya. “Itong si Jessie kanina pa n’ya hinahanap si Dana e.” “Sabi niya kanina may pupuntahan lang siyang kaibigan.” “Saan daw?” anang Jessie ang pangalan. “Hindi ko sure, pero may dadalawin daw siyang kaibigan e.” anito na mukhang nahulaan niya kung sino ang pupuntahan. Nilakihan na niya ang kanyang hakbang, at tuluyan nang lumabas ng restuarant. Nagulat na lang siya ng nasa sanctuary na siya. Nag-park na siya ng kanyang sasakyan sa at nagtungo na siya sa museleo ng kapatid niya. Napatigil siya sa pagsok ng makita niya si Dana na nakatayo sa harap ng puntod nang kanyang kapatid. Maya-maya pa ay nakita na niya itong nagpahid ng mata. Bahagya siyang lumapit para marinig niya kung ano ang sinasabi nito. “Clyde, hindi ko alam kung susuko na ako. Wala na kasi akong kakampi bukod sayo, kaso ang daya mo hindi mo sinabi sa akin ang tunay na kalagyan mo, edi saan naalagaan kita.” Anito na muling pinunasan ang mata. “Bakit mo ba kasi ako iniwan ng ganoon na lang. tapos ung kakambal mo, magkahawig lang kayo sa pisikal na anyo pero ibang-iba ang ugali. Haist” anito na bumuntong hininga. Hindi niya alam kung ipapalam niya na nandoon siya at itigil na nito ang sinabi tungkol sa kanya na hindi maganda. Patuloy lang ito sa pagsasabi sa kanya ng mga hinanakit nito. “Pero kahit na ayaw niya sa akin. Natutuwa pa rin ako sa kanya, kasi naman nakikita kita sa kanya. Kung hindi lang mukhang laging may menopose iyong kambal mo na iyon, iisipin ko talaga na ikaw ang isang iyon.” Pahagya itong natawa. Naiiling na lang siya at bumalik na lang sa kotse niya. Next time na lang siguro siya dumalaw. Napahinto siya sa pagpasok sa sasakyan niya dahil naalala niya na ang dalaga dahil sigurado gabi na rin at wala ng masasakyan, kaya sa sasakyan na lang siya naghintay. Matagal pa bago ito lumabas. Tatawagin sana niya ito pero may kausap ito sa telepono. “Hello po kuya, sige pakihintay na lang ako. Papunta na po ako, saan po ba kayo nakaparada.” Anito na dire-diretso at mukhang hindi siya napansin nito. Siya naman ay sumakay na rin sa sarili niyang sasakyan. At umalis na din dahil gabi na. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang kanyang Mama na hawak ang kanilang photo album. “Oh, Ma... bakit gising ka pa?” takang tanong ko kay mama, dahil sa ganitong oras ay dapat tulog na ito. “Ah, hindi pa kasi ako makatulog e. kamusta naman ang trabaho mo?” “Wala naman po’ng problema. Medyo nakakapagod lang din kasi maraming ginagawa. Aniya na halata naman sa boses niya ang sobrang pagod. “O sige na at umakyat ka na sa kwarto mo at ng makapagpahinga ka na.” taboy nito sa kanya. “Sige Ma, matulog na din po kayo at gabi na.” “Sige lang anak at ‘wag mo akong alalahanin, maya-maya ay matutulog na din ako.” Umakyat na siya sa silid niya at nag-shower para mapreskuhan ang pakiramdam niya. Matapos maligo ay nahiga na siya sa kama niya. Nang maalala niya ang binigay ng kapatid niya. Hindi pa niya iyon nabubuksan dahil ayaw niyang malaman kung bakit siya nito binigyan kasi ang alam niya ay yung binigay lang niya kay Dana. Nakita lang niya iyon nang maglinis siya ng mga gamit nito. Sa huli ay muli niyang tinabi ang flash drive na iyon, dahil hindi pa siya handa kung ano ang malalaman niya sa laman nito. Napatitig na lang siya sa kisame pero wala naman talagang iniisp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD