Chapter 30

1779 Words
CLAUDE's POV Naiiling na sinundan na lang ni Claude ng tingin ang papalabas na si Dana, kung hindi lang dahil sa kuya Clyde niya noon ay hindi niya ito pakikisamahan at papansinin. Dahil sa pagiging makulit nito, na kahit sinusungitan na niya ito ay palit pa rin itong lumalapit sa kanya. Minsan pa ng magpanggap ang kuya Clyde niya bilang s’ya ay lalong itong dumikit sa kanya, wala pa siyang ideya noon na ginamit ng kuya niya ang katauhan niya para makilala nito. Sobrang nainis siya sa kuya niya dahil sa ginawa nitong pagpapanggap. Kaya lang hindi naman niya magawang magalit sa kapatid niya dahil sa condisyon nito, naisip pa niya kaya ginagawa nito iyon dahil sa wala na itong maisip gawin at na-boboring na lang. Hindi siya bully pero dahil sa kakulitan nito ay nagagawa niya itong pagsalitaan ng masasakit na salita para lang hindi ito lumapit sa kanya. Nagawa na rin niya itong saktan ng pisikal dahil sa hindi niya inaasan na tatawagin siya nito sa pangalan ng kuya niya. Pipigilan lang sana niya ito pero mukhang napalakas ang paghatak niya kaya natumba ito, kinabahan pa siya noon dahil sa muntikan ng tumama ang ulo nito sa simento, buti na lang at sa bag nito tumama ang ulo at hindi sa sahig. Hayyy, naalala na naman niya ang nakaraan. Binalik niya ang tingin sa dalawang lalaki na nasa loob ng kwarto. “Good day! Mr. Vien— Chairman,” bati niya sa dalawa. Wala din siyang ideya na magkakilala pala ang dalawa, si Mr. Vien ay meet na niya. Una niya itong nakita ay sa ospital para bisitahin ang kuya niya noon, kaso naabutan niya ito sa tapat ng emergency room at hinihintay ang kung sino man ang inooperahan, at noon din niya nalaman na kapatid ito ni Dana, nagulat pa ang mga ito ng makita silang dalawa ng kuya niya. Pangalawa ng himatayin ang kapatid niya habang bumibili ng pizza, buti na lang at naitabi niya ang calling card nito ng una silang magkita kaya niya ito natawagan at nasundo ang kapatid nito. At ito ang pangatlo kasama ang CEO ng company nila, nagulat na lang din siya sa biglaan nitong pagbisita. Kaibigan ito ng lolo niya noon, kaya agad din siyang nakapasok sa company nito dahil sa ugnayan nito at ng lolo niya, napagkakamalan nga siya na ang nawawalang apo nito. Hindi na lang niya pinansin dahil kung papatulan niya ay magiging issue lang iyon at hassle lang iyon sa kanya. “Kamusta hijo, ang tagal mo ng hindi nakadalaw sa bahay ah?” salubong na tanong sa kanya. “Marami din po kasing ginagawa, saka ito na rin yung mga papeles na hinihingi n’yo.” Inabot niya ito sa matanda, sinuri lang nito at inabot na ito kay Mr. Vien. Hindi niya alam kung ano ang relasyon ng dalawa dahil nahahalata niya ang pagiging close ng matanda dito. “Kamusta po pala kayo Chairman?” Biglang singit ni Trish sa usapan nila sabay pinalupot ang kamay nito sa kanya na agad niyang inalis. Inaakala pa din kasi nito na siya talaga ang nawawala nitong apo. “Ayos lang naman hija. matanong ko lang, kayo ba nitong si Claude?” biro ng matanda na ikinakilig naman ng babae na kanina pa niya tinatanggal ang pagkapulupot ng braso sa kanya, kaya lang mukhang ito ata ang reyna ng mga linta sa tindi ng pagkapit. “Naku, chairman... nahiya naman po ako sa sinabi n’yo. Baka magalit itong si Claude?” anito na pinalambing ng sobra ang pagsasalita nito. Natawa na lang ang matanda sa naging reaksyon nito. “S’ya nga pala Chairman, ipagpaumahin n’yo ang inasal ko kanina dahil kay Dana, hindi ko nga alam kung bakit niya kayo kinakausap e. hayaan niyo po at pagsasabihan ko.” “Hindi ko nga alam kung bakit siya na hire dito e, kita n’yo naman po, sa laki ng katawan n’on, siguradong malaking abala siya sa mga kasamahan niya dahil sa laki niya.” Anito na nilalait si Dana at hindi nito na pansin ang pagdilim ng anyo ng kapatid ni Dana, mukhang hindi pa nito alam na ang kaharap niya ay ang mismong kapatid ng nilalait niya. Pipigilan sana niya ito sa pagsasalita ng mapatingin siya sa kapatid ni Dana, at sinenyasan siya na huwag na niyang sabihan, at hinayan ito magsabi ng kung ano-ano sa kapatid nito. Napatingin na lang din siya kay Chairman na mukhang hindi din nagugustuhan ang pinagsasabi ni Trish. “Iha, hindi tama na laitin ang isang tao lalo na kung ang pagbabasihan mo lang ay ang pisikal na anyo niya.” Ani ng matanda na hindi na pigilan ang sarili at pinagsabihan ito. Mukhang nagulat ang babae sa sinabi ng matanda. “Hindi naman sa ganoon chairman, kaya lang –“ naputol ang sasabihin nito ng itaas ng matanda ang kamay nito, saka lumaba ng kwarto. Sinundan ito ni Mr. Vien na hindi din maganda ang mood, dumiretso ang mga ito sa kusina. “Hmmp, masama ba ang sinabi ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah! Bakit ba nila kinakampihan ang balyena na ‘yon?” pinadyak pa nito ang paa at padabog na lumabas na rin ng kwarto, napapailing na lang siya sa inasal nito. Anak ito ng isang congressman kaya napaka spoiled nito, at isa sa share holder ang lolo nito sa Suarez Food Corporation. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit ganito ito umasta. Paglabas niya ay maririnig ang malakas natawanan mula sa kusina, pagsilip niya ay si Dana agad ang nakita niya na tumatawa, ngayon na lang ulit niya ito nakitang tumawa simula ng mabulag ito. Napaka masayahin nito noong nag-aaral pa sila, na kahit may mga nambu-bully dito ay hindi nito pinapansin, kahit siya nga mismo ay nilalait ang sarili at nakikipag-sabayan sa nambu-bully sa kanya, kaya sa halip na siya ang mainis ay kabaliktaran ang nangyayari. Lalong lumakas ang tawanan ng magbiro ang matanda. “Ikaw ba Dana e, may napupusuan na dito, baka hindi ka nagsasabi magulat na lang silang lahat na magpapakasal ka na?” tudyo ng matanda. “Naku, wala po.” Napansin niya ang biglang pagtamlay nito. Nakatingin siya dito ng bigla itong tumingin sa kanya. “Ehem,” aniya na tuluyan ng pumasok sa kusina. Naiilang siya dahil nakatitig ito sa kanya, siguro ay naalala nito ang kapatid niya sa kanya. Iyon ang pinaka ayaw niya, ang bigyan siya ng sobrang atensyon. Nasanay kasi siya na siya lang ang gumagawa at walang ibang nakikialam sa kanya. Dahil hindi siya masyadong nabigyan ng atensyon ng magulang nila, dahil sa kuya niya ang lahat ng atensyon ng mga ito. at simula noon ay hindi na siya naghangad pa na bigyan siya ng sobrang atensyon at hindi siya sanay doon. Kaya ayaw niya na may lumalapit ito sa kanya. Dahil sanay siya na hindi siya umaasa sa iba. “Ikaw ba Claude, mukhang mahuhuli ka na din sa byahe. Kailan mo ba ipakikilala sa akin ang ma-swerte babae na iyan?” anang matanda saka ito umakbay sa kanya, na ngayon ay sa kanya naman natuon ang tingin ng mga tao sa loob. Nagsimula na din ang bulungan ang mga ito dahil sa ginawa ng matanda. “Siguro si Sir Claude talaga ang apo ni chairman?” “Oo nga e, napansin ko din ang sobrang malapit nila.” Sabi ng mga ito, na hindi na lang niya pinansin. At humarap sa matanda. “Chairman, mahuhuli na po kayo sa meeting n’yo. Kailangan niyo na pong umalis dahil mamaya ay ma-traffic pa kayo sa daan.” Pag-iiba niya sa usapan. Napabuntong hininga naman ang matanda dahil mukhang napapasarap ito sa pakikipag-usap sa mga empleyado. “Oh! Pano iha, dapat sa susunod na pagbisita ko dito ay may ipapakilala ka na din sa akin.” Anito saka tinapik ang balikat ni Dana, alanganin naman itong ngumiti pero sa kanya ito nakatingin, nag-iwas siya dito ng tingin at hindi ito pinansin. “Tayo na po, ihahatid ko na kayo sa palabas.” Yaya niya sa mga ito. Sumunod naman sa kanila si Mr. Vien, pero bago ito lumabas ng kusina ang bumulong pa ito sa kapatid nito, hindi niya alam kung ano ang sinabi nito pero biglang namula ang pisngi n’ya. Saka palihim na kinurot ang kapatid pero nakaiwas ito at saka tuluyan ng lumabas. “Ikaw ba Claude ay wala talagang balak mag-asawa?” biglang tanong nito, “Siguro kung buhay pa ang kapatid mo, naunahan ka na no’n.” anang matanda na hindi pa rin tumitigil kakatanong sa kanya, matagal na rin siya kasi nitong kinukulit tungkol doon, sinasabayan lang niya ang kakulitan nito. “Chairman, bata pa po ako at wala pa yan sa isip ko. Marami pa akong gustong gawin bukod sa pag-aasawa” sabi na lang niya dito, para lang tumigil na ito. “Hay, yang lolo mo kasi e. usapan namin na ipapakasal namin ang aming mga anak sa isa’t isa, kundangan ba naman lalaki din ang anak. Sabi ko sa susunod na anak niya ay dapat babae naman,” “At kung kailan naman babae na at iyon ang mama mo sa siya naman nagpasaway ang anak ko ay nakipagtanan.” Anito na naiiling. “Chairman, hindi n’yo po pwedeng diktahan ang puso ng isang taong nagmamahal. Isa pa wala na po tayo sa panahon n’yo na uso ang arrange married.” Napapahugot na lang siya ng malalim na hininga dahil sa kakulitan nito. “Kaya nga ikaw na lang ang inaasahan ko, kahit man lang sayo ay maranasan kong magka-apo sa tuhod.” Anito na parang plinano na nito ang future niya. “Hindi po ba may lead na kayo sa tunay n’yong apo, bakit hindi na lang siya ang kulitin n’yo at hindi ako.” “Alam mo kaya hindi ka nagkakaroon ng nobya dahil jan sa ugali mo, tsk... tsk...” napapa-iling na lang ito sa kanya. Buti na lang at agad na dumating ang driver nito pagkalabas nila ng restaurant, tinawag nito si Mr. Vien na busy sa hawak nitong cellphone. Misan ay naghihinala siya na ito ang apo ng matanda dahil sa iba ang trato nito kung ikukumpara sa ibang empleyado na mas mataas naman ang position compare sa binata. Pero pagdating talaga dito ay iba ito, kaya nga nagawa nitong maipasok ang kapatid nito sa restaurant kahit alam naman niya na makakapasok talaga ito dahil may share pa naman ang family nito doon. Natigil lang siya sa pagmumuni-muni ng mag-paalam ang mga ito na aalis na. “Sige po chairman, ingat po sa byahe.” Paalam niya sa mga ito, tinanguan lang niya si Mr. Vien, bago siya tuluyang pumasok sa restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD