Pakiramdam ni Claude ay sobrang akward na ng sitwasyon nilang dalawa ni Ana, dahil sa nangyari sa kanila sa mall, hindi niya maintindihan ang dalaga kung bakit ito nagagalit sa kanya ng sabihin niya na kalimutan na lang ang nangyari ng gabing iyon. Ayaw lang naman kasi niya na magiging akward ang sitwasyon nila kung paguusapan pa nila ang nangyari, pero mukhang baliktad sa inaasahan niyang dapat na maging reaksyon nito. Galit na ito ngayon sa kanya at para na din siyang hangin sa dalaga, madalas ay umiiwas na ito tuwing makita pa lang siyang paparating. Saka lang ito makikipag-usap sa kanya kung tungkol sa trabaho, bukod doon ay hindi na niya ito pinapansin. Napapa-iling na lang siya habang inaalala ang gabing iyon. “Ana, gising!” mahinang tapik niya sa pisngi nito dahil hindi niya al

