bc

Entangled Fate of a Halfblood

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
shifter
powerful
princess
omega
heir/heiress
drama
werewolves
vampire
pack
secrets
like
intro-logo
Blurb

"The curse that kept us trampled must be stop."When Ranya Amdes was born, her parents needed to let her go. She needs to live away from their mansion, away from their packs, and away from the councils' grip because they don't want to risk her life. So, they came up with the idea of letting Alruna be the guardian of their child. Then years passed by, Ranya Amdes lives her life outside the fortress. The small town of Whitebridge made her life easier than what they're expected. But, when Ranya Amdes reached her legal age and did the ritual. Suddenly, she couldn't shift into her wolf form. She couldn't feel her wolf inside her body that made her worried. There are a lot of what ifs that's coming in her mind. But, Alruna was there to assured her and say, there is a chance that you might be a late bloomer so it'll come out. Not on this day, but eventually soon. Patiently, she waited for it to happen. Then it accidentally came out, the outcome wasn't good because the cursed has been lift up causing the sealed to be shattered. •••Disclaimer:This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and events and incidents are just the product of the writer's imaginations. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime.

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE Ang patuloy na paunti-unting pagpatak ng ulan ay tuluyan na ngang naging maingay at mas malakas pa ang pagbuhos ng mga iyon. Sa kasagsagan ng ulan rin na iyon ng hating gabi'y isang ina ang tuluyan nang tumangis sa tuwa ng masilayan ang sanggol na kanyang inalagaan sa sinapupunan ng ilang buwan. Ngunit ang tuwang iyon ay tila nabahiran ng kakaibang pakiramdam ng malungkot at may pag aalalang binalingan siya nito. Ang katiwala't kaibigan na siyang nagpaanak sa kanya'y marahang umiiling na anumang oras ay nais na ring maiyak sa maaaring sapitin ng kasisilang pa lamang at walang kamuwang-muwang na sanggol. "Babae. Babae ang inyong anak, Hiraia." mahina at seryosong saad ni Alruna. Isang malakas na singhap ang namayani sa malaki at malawak na silid ng sabihin iyon ni Alruna. Tila naman hinampas ng isang tambol na bigla na lamang kumabog ang kanyang puso sa narinig. Animo'y isang buong gusaling gumuho ang iniingatang reputasyon. Ngunit mariin siyang napailing at napapikit kalaunan. Hindi iyon ang nais niyang iparamdam sa anak. Biyaya, isang biyaya ng nasa itaas ang maituturing niya rito. Inisip niyang hindi ito ibibigay sa kanila ng gano'n lang o higit pa'y walang malalim na dahilan. Kaya mabilis syang nakaisip ng paraan at agad niyang binalingan ang asawa at pati na rin si Alruna na marahang sinusuri ang tahimik at natutulog na sanggol. "Kailangan nating ilayo rito ang bata sa lalong madaling panahon, Creus." seryoso at walang pag aalinlangan na saad nito sa asawa. Tahimik at marahang lumalapit sa kanya si Creus. Nang huminto iyon at walang imik na umupo sa gilid ng malambot na kamang hinihigaan. Seryoso lang din na nakatuon ang paningin ni Creus sa kanyang mga mata, hinawakan ang kanyang mga kamay at tumatango ang ulo nito kalaunan. "Sang - ayon ako sa'yo, Hiraia. Batid kong ito ang tama at ang mas makabubuti sa ating anak." Kahit labag man iyon sa kanyang kalooban ay wala naman itong magagawa pa sa ngayon. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kung kaya gagawin niya ang lahat 'wag lang itong mapahamak. Kahit pa nga ang solusyon nila'y ilayo ito sa kanilang tahanan at mga kapatid. Ilang minuto pang nag usap ang mga ito bago muling binalingan ni Hiraia ang matalik na kaibigan na siya ring nagpaanak sa kanya. "Maaari ko bang mahawakan ang aking anak, Alruna? Gusto ko syang yakapin, hagkan at bihisan sa huling pagkakataon." naiiyak na namang turan ni Hiraia rito. Tanging pagtango lang ang isinagot nito at maingat na ibinigay sa kanya ang bagong silang na babaeng anak. Nang nasa mga bisig na niya ito'y hindi na nga napigilan ang mga luhang umagos mula sa mga mata ni Hiraia. Pinaghalong 'sakit at tuwa' ang kanyang naramdaman ng mahawakan ang anak. Sakit— dahil kahit wala pa itong isip ay may malaking dagok na agad sa buhay ang haharapin nito. Hindi pa man nasisilayan ng tuluyan ang mundo'y paghihirap agad ang sasapitin nito mula sa mga mapanghusgang nilalang. Tuwa— dahil matagumpay niyang naisilang at naipanganak ang kanilang anak na malusog ang pangangatawan. Ang mapipintog at maputi nitong mga pisngi ay agad na marahang nakapag patawa sa kanilang mag asawa. Sigurado syang lalaki itong napakaganda. Hangad rin niyang maging mabuti ito sa lahat at maging mapagbigay at lumaking marunong makipag - kumbaba kung kinakailangan. 'Wag rin sana itong maging mapanghusga, kagaya ng ilan sa kanilang nasasakupan. "Napakaganda ng ating anak, Creus." baling nito sa asawang tahimik na nakatunghay sa kanilang anak. Tipid itong ngumiti sa kanya at marahang hinagkan ang kanyang noo. "Tama ang iyong sinabi, Hiraia, sigurado ako. . . kung nandito ang kanyang mga kapatid ay panggigilan na ng mga iyon ang kanilang bunso." mayamaya'y natatawa na nitong ani. Sa sinabing iyon ni Creus ay hindi na mawaglit pa ang kanyang malaking ngiti sa labi. Tama ang kanyang asawa. Kung nandito nga lang ang kanilang mga anak ay sigurado silang hindi titigilan ng mga ito ang kanilang bunso. Oo hindi lingid sa kaalaman ng mga ito ang batas na mahigpit na ipinagbabawal mula pa noon. Pero hindi rin maaalis sa mga ito ang mag hangad na magkaroon ng kapatid na babae. Dahil gusto rin ng mga itong maramdaman kung paano alagaan ang magiging babaeng kapatid gaya na nga lamang ng mga ordinaryong nilalang na kanilang nakakasalamuha sa labas ng palasyo. Ngunit dahil sa batas na nakasaad mula pa noon ay maipagkakait na nga sa kanila ang kagustuhan na malayang magkaroon ng babaeng kapatid. Dahil sa hindi makatarungang batas na iyon ay ipagkakait sa kanila ang napakahalagang taong matagal nang ninanais ng lahat. *** Marahang binaba ni Hiraia ang anak sa malambot na kama para ito'y bihisan. Maingat niyang tinatanggal ang puting tela na nakabalot rito. Nang tuluyang matanggal ay agad na bumakas sa mukha niya ang pagtataka. Hindi siya nagkakamali, mabilis at may pag iingat niyang itinagilid ang sanggol para tuluyang makita ang kanyang nahawakan. Gimbal at nanginginig ang kanyang mga kamay. Muntik pang mabitawan ang anak kung hindi lang siya agad nahawakan at naalalayan ni Creus. Ang kaninang hilam na mga mata'y napalitan na naman ng hindi maampat na mga luha. Ang kanyang pagtangis ang siya ring paglakas ng ulan kasabay ng malalakas na kulog at kidlat mula sa madilim na kalangitan. Tila sumasabay at nakikiisa sa kanyang pagtangis at hinagpis. "Bakit, Creus? Anong kasalanan ang ating nagawa? Bakit ang ating anak pa ang kailangang maghirap?" luhaan ang mga matang baling nito sa asawa. Namumula na rin ang mga mata niyon sa pinipigilang luha. Umiling - iling iyon sa kanya na tila hindi alam ang tunay na kasagutan. Maging ito'y hindi alam ang totoong dahilan. Gulong gulo na rin ang isip nito at hindi malaman ang gagawin. Gano'n pa man ay bumaling ito kay Alruna na hindi rin makapaniwala sa nakita. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatunghay sa kanila. Nakatakip ang mga kamay no'n sa bibig at tila natulos na rin sa kinatatayuan. "Alruna, mag madali ka. Dalhin mo rito ang tagapagbigay ulat ng hinaharap." maawtoridad na ani ni Creus. Sa sinabing iyon ni Creus ay marahil nagising ang nagulantang diwa ni Alruna. Mabilis itong tumango at tumalikod sa mag asawa, walang lingon - lingon at pag dadalawang isip na binuksan ang pintuan ng malaking silid at agad nagtungo sa tagapagbigay ulat na sinasabi nito. Minuto o higit pa ang kanilang hinintay bago muling bumukas at sara ang pinto ng silid. Iniluwa niyon si Alruna at ang humahangos na isa pang babae. Mabilis at pinong lumakad palapit iyon sa kanila. Lumipat ang tingin nito sa tahimik pa ring sanggol. Gising na iyon. "Rinsha Nirani," Yumukod at nagbigay pag galang ang nasabing babae sa mga iyon. "Mahal na Hari at Mahal na Reyna ipagpaumanhin ninyo na natagalan ang aking pagdating." magalang at nakayukong saad ni Rinsha Nirani. "Nais ko sanang bigyan pansin mo ang kalagayan ng aming anak. Ikaw ang siyang nakaaalam ng tungkol rito, bigyan mo kami ng kasagutan sa lalong madaling panahon, Rinsha Nirani." Tila nagmamadali nang ani ni Creus. Batid nitong wala na silang sapat na oras. Nalalapit na ang pagbukang liwayway kaonting oras na lamang ang natitira at muli na namang maghahari ang liwanag sa buong kapaligiran. Agad na tumalima si Rinsha Nirani at walang imik na nilapitan ang sanggol at pinakatitigan iyon ng mariin. Inangat ang kanang kamay upang hawakan ang noo ng sanggol. Nang malapit ng lumapat ang kamay nito'y siya ring naramdaman ang malakas na inerhiyang nakapalibot sa buong katawan ng sanggol. Sa isang iglap lang ay parang may marahas na hangin ang dumaan dahilan para tumilapon ang tagapagbigay ulat ng hinaharap na si Rinsha Nirani. Gulat na gulat ang mga iyon nang makita ang sinapit ni Rinsha Nirani. Dinig na dinig ang pagtama ng katawan niyon sa konkretong pader ng silid. Tila isang papel iyon bumagsak padapa sa sahig. Unti - unti itong tumatayo habang nakaalalay rito si Alruna na hindi makapaniwala. Tuluyang maayos na nakatayo si Rinsha Nirani na animo'y pagod na pagod. Muling nilapitan ang sanggol at pinilit ulit itong hawakan. Bagama't naroon parin ang malakas na inerhiya'y hindi na nito iyon inalintana. Buong loob na tinanggap ang mapusok na hanging tila nag mistulang pumoprotekta sa sanggol. Sa paglapat ng kanang kamay nito'y siya ring pumaikot ang marahas na hangin sa kabuuhan ng dalawa. Waring nakiisa ang mapaglarong 'di mapangalanang inerhiya sa katawan ng mga iyon. Sa paglayo ng tatlo'y unti - unti namang inaangat ng hangin ang sanggol. Habang ang dalagang si Rinsha Nirani naman ay tila sinasayaw ang mahaba't hanggang talampakan at kulay lilac na kasuotan. Ang mahaba at itim na itim na buhok nito'y marahas na hinahampas ng hangin. Huminto ang pag angat ng sanggol sa tapat ng dalaga at kasabay rin niyon ang pag guhit ng tila isang lilac na kumikinang na dyamante sa gitnang noo nito. Sa muling pagbukas ng mga matang nakapikit ay siya ring pag iba ng kulay ng mga iyon. Nabahiran ng puti at lilac ang mga matang iyon na nakatuon sa nakalutang na sanggol. Sa pagbuka ng bibig ng tagapagbigay ulat sa hinaharap na si Rinsha Nirani ay naging hudyat na iyon sa mga nasa loob ng silid na handa na itong maghayag ng kaalamanan patungkol sa hinaharap. Ang isang salitang namutawi sa bibig nito'y tila naging isang echo sa kanilang pandinig. Palayo ng palayo ang boses nito at tila hinahabol ng kung ano. Hindi iyon malinaw ngunit kung paulit ulit itong bibigkasin ay tuluyang malalaman ang kasagutan. Babaeng sanggol na isinilang sa kasalukayan. Sumpang nakadikit sa pagkatao'y siya ring nakatakda... Nakatakdang makapagbabago sa hinaharap. •••

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Warrior's Second Chance

read
212.9K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
66.6K
bc

The Warrior's Broken Mate

read
188.1K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.3K
bc

Killed and Reborn: My Alpha’s Obsession

read
1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook