Kabanata 7
Amy
UWIAN na at ako naman ay naglalakad sa hallway. Ang tahimik ng paligid dahil nakaalis na ang mga estudyante.
Habang naglalakad ako ay bigla na lang may nagtakip sa bibig ko at dinala ako sa gilid ng building. Kaya naman natakot ako dahil hindi ko alam kung sino ito.
"Hmpp! S-Sino ka ba?" natatakot na tanong ko nung inalis nito ang kamay niya sa bibig ko.
Unti unting inalis nung lalaki ang hood nya at nakita ko ang pagmumukha nya.
"K-Kiro," nauutal na sambit ko, tatakbo na sana ako paalis ng hawakan nito ang braso ko.
"Tingin mo hahayaan kitang umalis?" matigas at malamig nitong sabi kaya naman kinabahan ako. Baka may makakita sa amin at sabihin pa kay Jasmine. Sasaktan na naman nila ako.
"Please bitawan mo na ako," naiiyak na usal ko at kita ko naman ang paglambot ng expression nito.
"Bakit mo ba ako iniiwasan? May nagawa ba ako?" tila hirap na hirap na tanong niya sa akin.
"Hindi, pero sasaktan nila ako kapag nakita niyang magkasama tayo." umiiyak na sabi ko at kita ko naman ang pag galaw ng panga nito.
"Sino? Sino ang mga iyon?" matigas niyang sabi, ngunit umiling lang ako. Ayokong sabihin kasi mas malalagot ako.
Napa buntong hininga na lamang ito at hinawakan ang pisnge ko. Habang masuyong naka tingin sa akin.
"Hmm sino ang mananakit sayo?" muling tanong nito sa mahinahong boses. At dahil nadala na rin ako, sinabi ko na rin sa kanya ang mga pinag gagawa sa akin ni Jasmine at tita Joan.
Nang matapos ko ang kwento ay kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"That crazy woman!" galit na anas niya. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Huwag kang mag alala, wala ng mananakit sayo." mahinahong sabi nito habang hinahaplos ang ulo ko. Sana nga wala na kasi pagod na pagod na ako sa mga sakit na dinadanas ko sa kanila.
Agad akong yumakap sa kanya, hindi ko alam pero ramdam ko na kapag yakap ko siya ay para bang protektado ako. Na parang kapag yakap ko siya ay walang sinuman ang mananakit sa akin.
"Salamat sa pakikinig Kiro," nahihiyang sabi ko rito. Kasi kahit ang taray taray ko sa kanya noong una kaming nagkita ay maganda parin ang pakikitungo niya sa akin.
"Always welcome my baby, basta para sayo." malambing na sabi nito sabay halik sa noo ko. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon.
Pero tila may sariling kontrol ang aking katawan kaya naman mas siniksik ko ang sarili ko sa dibdib nya, inamoy ko ito at sobrang bango.
Naramdaman ata ni Kiro na inaamoy ko sya, kaya tumawa ito. Dahil sa kahihiyaan ay mas lalo kong siniksik ang ulo ko dahil ramdam kong namumula na ang pisnge ko.
"My baby is so cute," sabi nito habang nakahawak sa dalawang pisnge ko. Napanguso naman ako, baby na naman.
"Hindi na ako baby," naka pout na sabi ko kaya mas lalong tumawa ito.
"No, you are my baby," sabi nito sabay halik ulit sa noo ko kaya naman napa pikit ako. Hindi ko alam tila hindi ko kayang magalit kapag hinahalikan ako ni Kiro sa noo.
"Amethyst, I like you." nagulat ako sa salitang binitawan ni Kiro. Nagbibiro lang ba siya?
"H-Ha? Palabiro ka pala hehe," awkward na sabi ko. Gusto niya ako?
"No Amethyst I'm serious, gusto kita matagal na." seryosong sabi nito kaya naman nagtaka ako. Matagal na? Bakit at paano?
"Ha? What do you mean na matagal na?" nagtatakang tanong ko at ngumiti naman ito ang gwapo niya.
"Since High School my baby, masyado ka kasing busy kaya hindi mo napapansin ang gwapong tulad ko." napanguso naman ako sa sinabi nya. Para siyang ewan, nagbibiro lang ata siya.
"Stop pouting baby. Baka hindi ko matiis at mahalikan kita." walang hiyang sabi nito kaya naman nanlaki mata ko. Ang bad niya. Paano na lang kapag nalaman ni papa na ganito ako sa school edi lagot ako ron.
"Ano? Bastos ka," sigaw ko rito sabay hampas, siguro mukha na akong kamatis sa sobrang pamumula ko. Nakakahiya at sobrang awkward kaya.
"Haha you're so cute baby," sabi nito. Hinawakan nito ang wrist ko at napaaray ako dahil may sugat ako roon. Shems ang sakit.
"Bakit? Anong masakit?" nag aalalang tanong nito, tinaas nito ang jacket ko at doon nakita niya ang mga pasa ko. Mga marka na iniwan ng p*******t sa akin ng mag-ina.
Dumilim ang pagmumukha niya habang nakatingin sa mga pasang galing kay Tita Joan at Jasmine. Kaya naman dahan-dahan kong binababa ulit ang jacket ko ngunit pinipigilan niya ito.
"Sila ba ang may gawa nan? I will make them pay for what they've done to you!" galit na sabi nito. Ramdam na ramdam ko ang galit niya dahil sa boses at mata niya.
"Huwag na Kiro, hayaan na lang natin sila." mababang boses na sabi ko kaya naman napa buntong hininga ito. "Pati hindi mo ako responsibilidad at labas ka sa buhay ko,"
Prangka ko na sinabi rito kasi totoo naman, hindi ko naman siya kaano-ano at hindi ko naman s'ya kasintahan. Kaya wala siyang obligasyon sa akin.
Mas dumilim ang awra ni Kiro dahil sa sinabi ko kaya naman mas natakot ako. Baka nagalit siya sa sinabi ko.
"Simula ng ginusto kita, Amethyst ay responsibilidad na kita," madiin na sinabi nito sa akin kaya naman napatungo na lang ako at hindi nagsasalita.
"Hinding-hindi ko hahayaan na ang taong mahal ko ay aapihin lang ng mga walang kwentang tao," may gigil sa boses nito ng banggitin niya ang huling salita.
Napatingin naman ako sa kanya at tiningnan siya ng diretso sa mata.
"Bakit mo ba ako nagustuhan?" nagtatakang tanong ko. Sobrang daming babae sa paligid niya at marami rin ang maganda pero bakit ako ang nagusutuhan niya?
"Simple, kasi ikaw lang ang gusto ko," namula naman ako sa sinabi niya. "Ikaw lang ang babaeng nakakuha ng atensyon ko at ngayon pinapangarap ko na maging asawa ko,"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Paniguradong namumula na naman ang pisngi ko dahil sa mga banat na binibitawan niya.
"Kaya simula ngayon liligawan na kita. Let me court you, Amethyst. Hayaan mo akong ipakita sayo kung gaano kita kamahal," malambing na saad nito sa akin.
Natigilan naman ako dahil hindi ba sobrang bilis? Hindi ko alam gagawin ko, marami na namang lalaki ang nagtanong sa akin na liligawa nila ako pero iba ang epekto ni Kiro.
"K-Kiro, hindi ba masyadong mabilis?" nagaalinlangan na sabi ko rito.
"Amethyst, hindi naman kita minamadali pero syempre sa ayaw at sa gusto mo ay liligawan kita. Hayaan mo ako na itrato ka bilang isang reyna ko," puno ng paninindigan na saad nito.
Tila may kumulbit sa puso ko dahil sa sinabi niya, hindi ko akalain na may ganito palang lalaki. Akala ko sa libro, teleserye at movie lang ito nangyayari pero pwede rin pala sa realidad.
"Simula ngayon ay liligawan na kita Amethyst Perez," saad nito ng puno ng pagmamahal.
Nginitian ko na lamang siya at alam kong alam na nya ang ibig kong sabihin doon.
Ewan ko ba, kahit kakakilala ko lang kay Kiro ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Sana nga huwag nya akong saktan.
Kasi unang kita ko pa lang sa kanya crush ko na sya. Kahit ang taray ko sa kanya.