Kabanata 8
Amy
NANDITO kami ngayon ni Kiro sa garden habang magkahawak kamay. Tatlong buwan na kaming dalawa ni Kiro. Makalipas ang limang buwang panliligaw niya ay sinagot ko siya.
"Baby," malambing na tawag ko rito.
"Hmm?"
"Anong plano mo pagkatapos ng graduation?" tanong ko rito, dahil next week na ang aming graduation. Ang bilis ng araw parang kakakilala lang namin ni Kiro pero ngayon malapit na kaming magtapos.
"Baka ako mag handle ng business namin." sabi nito habang nilalaro ang mga daliri ko. Isa ito sa mahilig gawin ni Kiro kapag magkasama kami, tinanong ko siya kung bakit gusto niya palaging nilalaro ang daliri ko ang sabi niya isa raw iyon sa stress reliever niya.
"Mabuti iyan baby, ang talino mo na ang sipag pa," tuwang tuwang sabi ko sabay halik sa pisnge niya.
"Syempre gwapo pa," mayabang na sabi nito kaya naman napatawa ako. Siya naman ay napakunot noo na lang, ang cute talaga ng baby ko.
"Baka naman baby kapag nagtrabaho ka na ay iwan mo na ako?" malungkot na sabi ko rito. Hindi ko ata kayang mabuhay ng wala si Kiro. Pero hindi ko maiwasan na hindi magoverthink lalo na ang daming pwedeng mangyari.
"Ano bang pinagsasabi mo Amethyst? Syempre ikaw lang ang mamahalin ko, ikaw ang una at huli." kinilig naman ako sa sinabi niya kaya naman hinalikan ko siya sa ilong.
"Ikaw lang din po baby! Mahal kita," buong pagmamahal na sambit ko kay Kiro. Sabay dikit ng noo namin sa isa't isa. Naaamoy ko ang mabangong hininga niya.
"Mas mahal na mahal kita Amethyst ko," sabi naman niya sabay halik ng mabilis sa labi ko kaya naman napangiti ako.
"Hoy lovebirds!" natigil ang moment namin ng marinig namin ang boses ni Anne.
Agad kaming lumingon sa direksyon ni Anne at doon nakita namin na nakaakbay si Jin sa kanya kaya nginitian ko sya ng pang asar. Agad naman siyang namula ng ma realize nya kung bakit ganun ang ngiti ko.
"Ano ba Jin huwag mo nga akong akbayan," namumulang saway ni Anne kaya napatawa kami. Pabebe pa ang best friend ko eh gustong gusto naman niya.
"Ano ba babe, damot naman," ma-dramang sabi ni Jin kaya mas namula si Anne. Nakakatawa talaga ang reaksyon ni Anne tuwing inaasar siya ni Jin. Dinaig n'ya pa ang kamatis sa sobrang pula.
Ilang buwan na ring nanliligaw si Jin kay Anne, pero itong si bruha gusto pang patagalin. Hihi hindi nya alam kung ano ang pinagdaanan ni Jin bago umamin na may gusto s'ya kay Anne.
"Kayo dyan ha! Baka kayo na," pang asar ko at tiningnan naman ako ng masama ni Anne. Tila sinasabihan ako na tumahimik ako.
"Tse porket may baby ka lang," naiinis na sabi ni Anne kaya mas natawa ako. Pikon.
"Inggit ka naman? Sagutin mo na kasi si Jin." pakikisali pa ni Kiro habang nakayakap sa bewang ko. Agad ko naman siyang hinalikan sa pisngi upang mas asarin si Anne.
Umarte pa na nasusuka si Anne dahil sa nakita n'ya kaya naman mas nagulat kami ng bigla rin siyang halikan sa pisgi ni Jin. Lalong namula si Anne.
"Ano iyan Anne ha? May pahalik halik na," pang aasar ko lalo kay Anne kaya naman mas lalo itong namula.
Ayaw pa kasi umamin na sila na eh sobrang halata naman, hindi na naman kami magtataka kung sila na kasi nagliligawan naman sila.
"Bahala nga kayo dyan," inis na sabi nito sabay walk out, tumawa naman kaming tatlo. Walk out girl si best.
"Dyan muna kayo lovebirds, sundan ko lang babe ko." sabi ni Jin sabay takbo papunta sa dinaanan ni Anne. Kita ko pa ang biglang pagakbay ni Jin kay Anne at pilit nitong inaalis.
Ang cute nilang dalawa para silang mga highschool kung maglambingan.
"Ang sweet naman nila," biglang nasabi ko, kaya naman hinarap ako ni Kiro. At inaayos ang ilang hibla ng buhok ko na sumasabit sa mukha ko.
"Bakit napaka ganda mo?" seryosong tanong nito habang nakatitig sa mukha ko.
Agad naman akong namula at nagiwas ng tingin. Para kasing ewan, kinikilig tuloy ako.
"Sino ngayon ang sweet, Amethyst?Mas sweet tayo baby," sabi ni Kiro sabay halik ulit sa labi kaya naman hinampas ko s'ya.
"Nakakailan ka na Kiro ha!" kunwaring asar na sabi ko at tumawa lang ito. At talagang mas inaasar pa ako. Pasalamat siya hindi ako pikon.
"Kasalanan ko bang masarap halikan iyang labi mo," malanding saad nito kaya naman namula ako. Bakit ba ganito ang boyfriend ko? Sobrang harot.
"Iyan talagang bibig mo walang preno," namumula na sambit ko rito. Tumawa lang ito at hinalkan ako sa ulo. Hmp kissing monster. Hindi na nagsawa.
"Totoo naman sinasabi ko ah. Ang tamis ng labi mo kaya sobrang sarap halikan." walang hiyang sabi nito habang ako hiyang hiya sa pinagsasabi nya. Ayaw niya tumigil huhu.
"Tigilan mo nga ako Drake Kiro Ford!" inis na sabi ko rito. Kaya naman natigilan na ito at nagsimula na namang manglambing. Dinaig niya pa ang pusa sa lambing
Agad naman ako nitong niyakap sa bewang at pinatong ang kanyang baba sa aking balikat. My sweet baby.
"Sorry na Amethyst ko," napangiti ako sa panlalambing nya ngunit hindi ako nagsalita. Kasi gusto ko ifeel yung peace at happiness na kasama ko siya
"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Amethyst. Mahal na mahal kita," malambing na saad nito. Sobrang natutuwa ako kasi palagi niya sinasabi na mahal na mahal n'ya raw ako at pinapakita n'ya pa sa mga actions niya.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang pisnge. At tiningnan siya diretso sa mata, ang ganda ganda talaga ng mga mata niya at bawat titig ko ay mas nahuhulog ako sa kanya.
"Ikaw lang din ang lalaking mamahalin ko, Kiro ko, wala na akong ibang hiniling kundi ang makasama ka habang buhay," malambing na anas ko sa kanya, sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
Siya na ang lalaking nakikita ko na magiging asawa ko. I love him, as in super. Siya lang ang taong tumanggap at minahal ako ng totoo. At siya lang din ang lalaking gusto kong kasama sa pagtanda. Wala na akong nakikitang iba pa, kundi siya lang.
Sana kami na hanggang dulo. Sana.