Kabanata 9

1106 Words
Kabanata 9 Amy MASAYANG masaya ang bawat isa dahil graduate na kaming lahat. Pagkatapos ng ilang taon na paghihirap ay matatamasa na namin ang kasiyahan. Agad namang pumunta sa akin si Anne at nagyakapan kami. Sobrang saya ko kasi simula noon hanggang ngayon ay kasama ko pa rin ang best friend ko. "Best sa wakas graduate na tayo," naluluhang sabi ni Anne. Kaya naman nginitian ko sya at pinunasan ang mga luha na pumapatak mula sa mata niya. "Oo nga, ilang taon tayong naghirap pero ito worth it!" masayang sabi ko. Lahat ng pagod namin sa acads ay nalampasan namin. Habang magkayakap kami ni Anne ay may nagpekeng ubo sa tabi namin, at ng tingnan namin iyon, sina Kiro at Jin pala. "BABY!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya, agad n'ya akong binuhat. Kita ko rin ang pag tingin sa amin ng mga tao pero wala akong pake dahil masaya ako. Sobrang saya ko kasi nandito rin ang boyfriend ko. "Congratulations, baby!" malambing na bulong nito sa akin kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin parang hindi na ako makahinga haha. "Congrats din baby!" masayang sabi ko. Binaba na ako ni Kiro at narinig kong may tumawag sa akin. "Princess," sa tawag pa lang iyon alam ko na kung sino yun, agad akong humarap sa direksyon ng tumawag sakin. Tila hindi ko maproseso sa isip ko ang nakikita ko. T-Tunay ba ito? Naluluha akong tumingin sa taong tumawag sa akin. Ang papa ko. Agad kong nakita si Papa, nasa tabi n'ya si Jasmine at tita Joan na inis na nakatingin sa akin. Ngunit wala akong pake ang mahalaga nandito si Papa. "Papa!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya, agad nya akong sinalubong ng yakap at doon ako mas naluha. Miss na miss ko si papa. "Aw my princess iyakin parin HAHAHA," natatawang sabi ni papa, kaya naman mas lalo akong umiyak. Na-miss ko rin ang mga tawa ni papa, I miss everything about him. "Papa miss na miss po kita," sabi ko rito at mas hinigpitan ang yakap. Ilang taon ko rin hindi nakasama si papa kaya sobrang sobra ang pagka-miss ko sa kanya. "Miss na miss din kita anak, pero sino yung lalaking kayakap mo kanina?" biglang seryosong tanong ni Papa, at doon tumingin ako sa likod at naroroon parin sa Kiro. Nag-email ako kay papa noon na may boyfriend na ako pero ngayon gusto ko ipakilala na ng personal si Kiro kay papa. Kaya naman tinawag ko ito upang ipakilala kay Papa. Agad naman itong lumapit, hinawakan ko ito sa braso at pinakilala kay Papa. "Papa si Kiro po boyfriend ko, Kiro ito ang papa ko." masayang pagpapakilala ko sa kanila. Ngumiti naman ng tipid si Kiro habang si papa seryoso parin. Nakakakaba naman ang reaksyon ni papa. "Drake Kiro Ford po sir," sabi ni Kiro habang nakalahad ang kamay, agad itong tinanggap ni papa kaya napangiti ako. Akala ko hindi tatanggapin ni papa ang kamay ni Kiro. "Just call me tito, iho." seryosong saad ni papa. Pero kahit ganun alam kong ayos s'ya kay Kiro. At sobrang happy ako kasi mukhang okay naman si papa kay Kiro. "Ahm papa saan po ang punta natin?" tanong ko kay Papa, dahil hindi ko alam kung saan kami mag cecelebrate. Syempre graduation namin kaya kailangan namin mag celebrate. "Pupunta tayo sa EL Kusinera, doon tayo mag cecelebrate. Ikaw iho gusto mo bang sumama? Isama mo na rin magulang mo." mas lalo akong napangiti ng yayain ni Papa si Kiro. Mukhang okay na okay si papa kay Kiro ha? Nakakatuwa naman kung ganon. "Sige po tito, sunod na lang po kami nina mom at dad," magalang na sabi ni Kiro. Mas kinabahan ako kasi hindi ko pa name-meet personally ang parents niya, tuwing niyayaya niya ako ipakilala tumatanggi ako. Kinakabahan kasi ako baka hindi nila ako magustuhan, mahirap na. Pero nakita ko na naman ang kanilang itsura sa picture, mukha naman mabait ang nanay ni Kiro habang yung tatay niya ang seryoso tingnan. "Mauuna na kami roon, sunod kayo ha?" sabi ko rito at tumango ito. Hinalkan pa ako nito sa noo bago kami umalis. ----- Habang nasa sasakyan ay kinakausap ko si Papa. "'Pa thank you kasi tinanggap mo relasyon namin." sabi ko kay papa habang nakayakap sa braso nya. Ganito ang manglambing sa papa ko tuwing magkasama kami, syempre siya lang naman ang meron ako kaya papa's girl ako. "Walang anuman anak. Basta masaya ka ay masaya na rin ako." malambing na sabi nito sabay halik sa noo ko. Kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap ko kay papa at ramdam ko naman ang paghaplos nito sa buhok. Noong bata kasi ako hindi ako makakatulog kapag hindi hinahaplos ni papa ulo ko, kasi yung ginagawa niya na iyon ang nakakatulong sa akin para kumalma. Kaya naman mas sumiksik pa ako kay papa rinig ko pa ang pag pekeng ubo ni tita Joan pero wala akong pakelam sa kanila. Swerte na nga ako sa tatay,swerte pa ako sa boyfriend. Sila lang ang lalaki sa buhay ko. Napatingin naman ako sa likod at doon nakita ko si tita Joan at Amy na masama ang tingin sa akin. Kaya nagiwas na lamang ako ng tingin sa kanila. Van kasi ang dala ni papa na sasakyan, kaming dalawa ang magkatabi habang yung dalwa naman ay nasa likod. Sa harap namin ay ang iba naming bodyguard. Ewan ko ba feeling ko naman hindi mahal ni Papa si tita Joan pero bakit niya pinatira sa bahay namin? Miss ko na tuloy yung isang bahay namin, simula kasi ng mawala si mama ay lumipat na kami. Bata pa lang ako ng pinakilala ni Papa si tita Joan, kasama na nito si Jasmine na kapatid ko raw sa ama. Akala ko naman mabait si tita kaya naman buong puso ko syang tinanggap, iyon pala pakitang tao lang. Tumitig ako kay Papa, nang maramdaman nya sigurong nakatitig ako sa kanya ay tiningnan nya ako. Ngumiti sya sa akin at hinalikan ako sa noo. Mahal na mahal ko ang Papa ko. Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe nakarating na agad kami sa EL Kusinera, favorite Filipino Restaurant ko ito. Dahil talagang masasarap ang pagkain dito. Matagal na rin simula ng makakain ako rito kasi nga pinagbabawalan ako ni tita Joan na kumain sa mga restaurant. Kaya naman sobrang saya ko kasi nakabalik muli ako rito. Pumasok naman agad kami sa El Kusinera at agad na may nag-assist sa amin na staff. Agad kaming pumunta sa naka reserbang table at doon hinintay sina Kiro. Masayang masaya ako ngayon. Graduate na ako tapos nandito pa si Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD