Kabanata 10
Amy
ILANG minuto lang ang tinagal ng paghihintay namin dahil nakarating agad sina Kiro. Kinabahan ako ng makita ko na ang magulang n'ya, baka hindi nila ako matanggap.
Nang makarating sina Kiro sa aming lamesa ay agad tumayo si Jasmine at niyakap ito na syang nagpagulat sa akin. Anong kakapalan ang mukha niya?
"Hi Kiro," maarteng sabi ni Jasmine at agad dumapo ang mata ng nanay ni Kiro kay Jasmine. Tiningnan muna nito mula ulo hanggang paa bago umirap.
"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?" mataray at seryosong tanong ng nanay ni Kiro kay Jasmine. Kaya naman napanguso ako, mukha bang si Jasmine ang girlfriend ni Kiro? Ang epal naman kasi ni Jasmine.
"Mom ano ba hindi si Jasmine girlfriend ko," tila nahihiyang sabi ni Kiro, napatawa naman ako dahil ang cute nya. Ang cute talaga ng baby ko sarap ibulsa.
"Eh sino?" tanong ng nanay ni Kiro at agad naman akong kinabahan nung lapitan ako ni Kiro. Huhu mukhang mataray ang mom n'ya. Mas kinakabahan tuloy akong magpakilala.
"Mom, Dad si Amethyst girlfriend ko." pagpapakilala ni Kiro sa akin, agad lumapit sa akin mommy nya kaya kinabahan ako.
"M-Madam, A-Amethyst Perez po." nauutal na sabi ko sabay lahad ng kamay ko, ngunit hindi n'ya tinanggap ang kamay ko. Rinig ko naman ang pagtawa nina Jasmine at tita Joan.
Ibababa ko na sana ang kamay ko ng bigla akong yakapin ng mahigpit ng mom ni Kiro. Nagulat ako sa biglang aksyon niya kaya hindi ko agad siya nayakap pabalik.
"M-Madam?" hirap na sambit ko dahil ang higpit ng pagkakayap nya. Parang sobrang makakilala na kami sa pamamaraan ng pagyakap niya.
Pinandilatan ko ng mata si Kiro, pinaparating na nahihirapan na ako huminga sa higpit ng pagkakayakap.
"Mom hindi makahinga girlfriend ko," sabi ni Kiro sabay hila sa akin kaya naka hinga ako ng maluwag. Pinulupot naman ni Kiro ang kanyang kamay sa aking bewang tila inaangkin ako. Sabagay kanya lang naman ako.
"Omo sorry," parang batang sabi ng mama ni Kiro kaya naman nagtaka ako. Kanina ang taray n'ya kay Jasmine tapos sa akin mukha syang bata.
"Ang ganda ganda mo, mukha kang barbie," sabi ng mama ni Kiro sabay hawak sa aking pisnge. "Pati you look familiar, parang nakita na kita dati pero hindi ko matandaan."
Nagtaka naman ako sa sinabi ng mama ni Kiro pero binalewala ko na lang yun at nagpasalamat sa kanya.
"Salamat po madam," nahihiya na sabi ko, agad na nanlaki ang mata nito.
"What Madam? Just call me Tita Kiara o mas maganda kung mom." sabi nito sa akin. Tila may kumulbit sa puso ko kasi tila gusto rin nila ako para sa anak nila.
"Sige po Tita Kiara," nahihiya akong tawagin syang mom. Baka naman maging sobra ako kapag tinawag ko pa siyang mom.
"By the way Amethyst nasan papa mo?" tanong ni tita Kiara, at tinuro ko naman si Papa na kausap na pala ng Dad ni Kiro.
Nanlaki ang mata ni tita Kiara at napahawak pa sa bibig na akala mo ay nakakita ng isang multo.
"Hoy Arnold!" nagulat ako ng batukan ni Tita Kiara si Papa. Magkakilala ba sila?
"Aray ko naman Kia, sadista ka pa rin." nagrereklamong sabi ni Papa. Habang hinihilot ang ulo nya. Mukha ngang magkakilala si tita Kiara at papa.
Nagulat naman ako dahil magkakakilala pala sila. Umupo naman kami ni Kiro sa dalwang bakanteng upuan. Magkatabi kami ni Kiro habang hawak hawak niya ang aking kamay. Ayaw niyang bitawan iyon.
Tumingin sa akin ang Dad ni Kiro kaya naman nailang ako. Nang mapansin na nailang ako ay tumawa ito.
"Iha, Draco Ford nga pala tawagin mo na lang akong Tito o kung gusto mo Dad na lang." nakangiting pagpapakilala nito sa akin. Kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Amy po tito Draco," nahihiyang saad ko rito. Sobrang natutuwa ako dahil mukhang welcome na welcome agad ako sa kanila.
"Ang ganda talaga ng anak mo Arnold!" ma-dramang sabi ni Tita Kiara, at tumawa naman si Papa.
"Syempre naman gwapo ang ama e!" pagmamayabang pa ni papa. Kaya naman ngumiti ako.
"Ang galing nga e ang ganda ng combination n'yo ni Amelia." nakangiting sabi ni Tita Kiara, hindi na sumagot si Papa ngunit ngumiti ito.
Na miss ko tuloy si Mama.
"Sayang wala na si Ame--" hindi na naituloy ni Tita Kiara ang sasabihin niya ng mapa ubo si Tita Joan. Ay nandito pa pala siya.
"Oh sino pala ito?" nagtatakang tanong ni tita Kiara habang nakaturo kina tita Joan. Nagayos naman muna ng buhok si tita Joan bago nagpakilala.
"Hello, Joan Santos soon to be Perez." maarteng sabi ng step-mom ko kaya naman napa ismid si tita Kiara at tumingin kay Papa na wala namang pake.
"Sino naman yang katabi mo?" biglang tanong ni tita kay Jasmine. Na ngayon tila nagpapa cute na kay tita Kiara. Pwes akala niya cute siya, hindi no mukha siyang aso.
"Ah this is Jasmine my beautiful daughter," pagmamalaking sabi ni tita Joan kaya naman ngiting ngiti si Jasmine.
"Maganda nga iyang anak mo ha," puri ni tita Kiara na mas nagpakalaki ng ngiti kay Jasmine at tita Joan. Tila nanalo sa lotto kung makangiti ang dalawa.
"Syempre naman, saan pa ba magmamana edi sa ina." maarteng sabi ni tita Joan. At tumingin naman sa akin si Jasmine na may pang asar na ngiti, kaya naman napayuko ako.
"Pero wala paring tatalo sa kagandahan ni Amethyst, iba talaga genes ni Arnold at Amelia tila dyosa ang kinalabasan." pagpuri ni tita sa akin kaya naman namula ako. Grabe na kasi yung compliments na natatanggap ko mula kay tita Kiara.
Habang si Papa naman ay may ngiting naka ukit sa labi. Tumingin ako sa kanya at nginitian rin ako at tinitingnan nito ang buong mukha ko.
Noon pa man sinasabi nila na kamukhang kamukha ko raw si mama, siguro ang nakuha ko lang kay papa ay ang kanyang kilay at labi.
Kaya habang tinitingnan ko sarili ko sa salamin nakikita ko rin talaga ang mukha ni mama.
"Inggit ka lang Kia dahil wala man lang nakuha sayo ang anak mo!" biglang sambit ni Papa na nagpa inis kay Tita Kiara.
Tunay nga naman carbon copy ni tito Draco si Kiro wala man lang nakuha kay tita Kiara. Pati nga ata ugali kay tito Draco nakuha.
Tumingin ako kay Kiro at nakita ko rin syang nakatingin sa akin.
"I love you" sabi nito na ikinangiti ko.