PROLOGUE

201 Words
TO THE GIRL WHO STOLE MY HEART PROLOGUE Ang lahat ay nakahanda na. Tuwang tuwa na rin ang mga bisita. Samu't saring mga pagbati ang namamayani sa simbahan at ang bawat isa ay kapuwa masasaya, lalong lalo na si Zaihk. Kaytagal n'yang hinintay ang pagkakataong ito — ang makasal sa kaniyang pinakamamahal na si Aixchviena. Hindi naging madali ang lahat ng kanilang pinagdaanan, lalong lalo na ang pagdating sa kaniyang Lola, ngunit umaasa pa rin s'yang tatanggapin na sila nito ng buong buo. "Zaihk, wala pa rin ba si lola Fi?" tanong ng kaniyang kaibigan na si Shaun. "Darating na rin iyon," tugon n'ya. "Paano kung hindi nga talaga pumunta si Lola Fi? Hindi ba ayaw na ayaw n'ya kay Aixchviena?" "Pupunta si Lola. Sigurado akong papunta na s'ya. Tsss. Teka, tatawagan ko." Kinuha niya ang cellphone. Napangiti siya nang makita ang litrato ni Aixchviena sa kaniyang phone screen. Nang tatawagan na sana ang lola ay humahangos na dumating si Jill, isa rin sa kaniyang mga kaibigan. "Zaihk! Zaihk! S-Si Lola Fi!" humahangos na sambit nito. Kapansin-pansin din ang pagkakagulo ng lahat ng nasa simbahan. "B-Bakit? Anong meron kay Lola Fi?" tanong ni Shaun. "Si Lola Fi, naaksidente si Lola Fi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD