Cinco

1332 Words
Matapos kong linisin ang kusina, hindi na ako muling nagpakita sa magkapatid. Dumiretso na kaagad ako sa maids quarter at nagkulong sa sariling kuwarto buong maghapon. Wala na rin naman akong gagawin kaya ayos lang. As mabuti na ring nandito ako't nakakulong. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit para bang gustong gusto kong makita si senyorito Javier ngunit naiilang at kinakabahan naman ako kapag nariyan siya. Kinuha ko nalang ang sketch pad ko at nagsimulang mag-isip ng panibagong disenyo. Naisip kong gumuhit ng isang gown ngunit mayroong napakahaba ant napakalaking slit sa gitna. Mayroong parang slacks o pantalón sa loob, at ang itaas naman ang tube. Iniisketch k opa lang ang outline, naisip ko kaagad na gusto ko itong kulayan ng pula. Pakiramdam koy magmumuka itong mas nakakaakit at mas makakakuha ng atensyon. Nilagyan ko ng strap sa kaliwang bahagi na mayroong maliliit na itim na rosas at mayroong gintong highlight. Hindi ko pa natatapos ang sketch ay sumakit ang kamay ko kaya't nagpahinga na muna ako't natulog. Ginising ako ni manang at sinabing maghahapunan na. Alas siete na pala, 4 na oras rin ang itinulog ko. Ngunit nag-aalala pa rin ako baka naroon sa kusina si senyorito at hindi naman mapirmi ang puso ko kaya't sinabi ko nalang na mamaya na 'ko kakain pagkatapos ni señora at ng mga senyorito. Hahatiran na lang raw ako ni manang ng pagkain ngunit tumaanggi na 'ko. Kaya ko namang kumuha ng mag-isa pero huwag na muna ngayon. Nang mapansing pumasok na sina Bertha at Marie, sakto namang kumalam ang tiyan ko. Siguradong nasa kuwarto na si manang ngayon dahil alas nueve na rin. Ang tagal kong pinigilang ang gutom. Wala pan aman akong kinain kaninang meryendda. Dahan dahan akong lumabas ng kuwarto. Bumungad saakin ang madilim na kusina ngunit may natanaw akong kaunting liwanag, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Siguradong nakabukas pa ang ilaw sa bar counter. Hinayaan ko nalang muna dahil nagugutom na 'ko. Baka nakalimutan lang ni manang, papatayin ko nalang mamaya. Ang tunog ng mga kubyertos nalang ang maririnig sa paligid. Hindi na 'ko nag-abala pang buksan ang ilaw. Nakakakita pa rin naman ako eh, medio madilim pero sakto lang. Muntik ko nang mabuga ang kanin nang may biglang nag-andar ng ilaw. Nanlaki ang mata ko nang makita nasa may switch si senyorito Javier at nakasimangot na nakatingin saakin. "Why did you eat so late?!" mababa ngunit may diin niyang sabi. Nagbaba naman ako ng tingin sa plato at pinilit munang lunukin ang pagkaing nasa bibig. Uminom ako ng tubig at tiningnang muli si senyorito. "P-pasensya na po. Ano pong kailangan mo, senyorito?" magalang kong sabi. Nag-igting ang mga panga niy at naglakad papunta sa upuang kaharap ko. Hinila niya ito't padabog na umupo. "I was drinking ath the bar then I noticed someone here" napabuntong-hininga siya. "Why didn't you eat together with us earlier?" Nag-iwas ako ng tingin. Hindi alam ang isasagot. "Uh.... Ano... h-hindi pa po kasi ako nagugutom" mataman niya akong tiningnan at napahalukipkip. "You're avoiding me. Ever since I arrived, you seem so distant to me. Am I making you uncomfortable?" mapapansin ang pagkainis sa mukha niya. Natataranta naman ako lumingo lingo. "naku, h-hindi po senyorito. P-pasensya na po. Hindi po sa ganon" Mas lalo siyang sumimangot "Will you stop apologizing to me? And don't use po when you're talking to me!" "Opo, ay.. este... pasensya na senyorito" napapikit ako sa sobrang pagkahiya. Kung ano ano nalang ang lumalabas sa bunganga ko sa pagkataranta eh. Mukha mas lalo pa siyang nairita pero pinipigilan niya ang sariling mainis, napabuntong-hininga nalang siya ng malakas. "Javier. Call me Javier, Isabella." Mas kalmado niyang sabi kaya nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Bakit? Bakit Javier? Amo ko siya kaya senyorito dapat pero dahil nga amo ko siya, kailangan ko siyang sundín. "J-Javier" nahihiya kong sabi. Pakiramdam koy uminit ang mukha ko sa pagbigkas lamang ng pangalan niya. Ngumiti siya ng malapad "I love hearing you say my name, Isabella. It sounds sweet" Hindi ko alama ng sasabihin kaya iniwas ko nalang ang tingin. "How are you in those six years that I'm gone?" dagdag niya. Napatingin ako sa gulat. Naaalala niya pa 'ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko sobrang saya ko. "O...okay lang naman" naiilang kong sabi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nalungkot ako, na namatay si mama, na tumigil ako sa pag-aaral.... Na wala akong iban mapuntahan kaya nanatili ako rito. Hindi pwede. "Why are you aloof of me? Are you scared? Do I intimidate you?" naguguluhan niyang sabi. Ako rin, naguguluhan rin ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito makitungo sa mga kapatid niya. Hindi rin ako ganito makitungo sa kanya noon. Basta ang alam ko, nawawala ako sa sarili kapag malapit siya. "Magliligpit muna ako ng pinagkainan, senyorito" napabuntong hininga siya at tumango. Agad naman akong pumunta sa lavabo, hawak ang dibdib ko. Nagsisimula nanaman ang puso ko, ano bang nangyayari saakin? Nagsimula na akong maghugas ng plato kahit pa medio nanginginig ang kamay ko. Natulos ako sa kinatatayuan nang may biglang yumakap sa akin sa likod. Ang dalawa niyang braso ay nakapulupot sa bewang ko. "S-senyorito, ano pong ginagawa mo?" nagtataka at gulat kong saad. "Javier" pagtatama niya "Call me Javier, Isabella" Iniharap niya ako sa kanya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. Naiilang man, hindi ko mapigilang mapatitig sa berde niyang mga mata. Para bang hinihila at dinadala niya 'ko sa kung saan. Pakiramdam ko naririnig niya ang malakas na pintig ng puso ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "I missed you. I came home for you, mi amor" ilang hibla ng buhok nalang ang pagitan ng mukha namin. Mas lalong tumitibok ang puso ko. Naamoy ko ang alak mula sa kaniyang hinga. Napatingin siya sa mga labi ko. Naakit naman ako nang bigla niyang binasa ang sarili labi. Ano ba, Isabella! Itulak mo siya! Hindi ito pwede! "S-senyorito---- "Can I kiss you?" nagluat ako sa tanong niya. Hindi p aman ako nakaksagot ay bigla niyang inilapat ang kaniyang labi saakin. Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Napapikit ako sa sensasyong hatid ng mga labi niya. Naramdaman ko ang isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko para mas lalong idiin ang aming halikan. Kinakapos na ako ng hininga pero parang ayaw kong bumitaw. Hindi ko namalayang nasa batok na niya ang dalawa kong kamay para hapitin pa siya papalapit saakin. May mumunting ungol na lumalabas na labi ko, at tila ba'y wala rin siyang pakialam sa paligid namin. Ang isang kamay niya ay nasa bewang ko, at nakayapos na siya saakin. Binuhat niya ko't pinaupo sa lababo. Ang mga paa koy nakapulupot na sa kaniyang bewang. Nang bumaba ang kaniyang labi sa aking leeg, parang bigla akong nagising. Hindi tama to! "S-senyorito. M-mali. M-ali po 'to. P-pasensya na po" Napatigil siya sa paghalik nang itinulak ko siya. Dali dali akong bumaba sa lababo, at nakayuking tumayo sa harap niya. Alam ko pulang-pula ang mukha ko pero gusto kong maiyak sa kahibangang ginagawa ko. "There's nothing wrong with this, mi amor. I Will pursue you, and I will keep kissing you now that I tasted it" isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa mga labi niya. Napaiwas ako ng tingin at naglakas loob na magtanong. "Bakit mo ba ginagawa 'to, senyorito?" Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at tianwid ang distansya saaming dalawa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawang kamay. "Gusto kita" Natulala ako sa sinabi niya. Walang lumalabas na salita sa bunganga ko, at para bang kiniliti ang tiyan ko sa sinabi niya. Mababasa ang pagkaseryoso at sinceridad sa kaniyang mga mata pero wala akong masabi. "Good night, mi amor" isang mabilis at magaan na halik ang iginawad niya sa labi ko at nakangiting naglakad na paalis. Hinawakan ko ang dibdib at naramdaman ang nagwawalang puso. Ano ba itong pinaparamdam mo saakin, senyorito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD