"Manang tulungan ko na ho kayo" nandito ako ngayon sa kusina kasama si manang, naghahanda ng tanghalian. Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip tungkol sa nangyari, kung ano anong eksena ang pumapasok sa isipan ko kaya sumikat na lang ang araw, nakadilat pa rin ako.
Nang lumabas ako ng maid's quarter kanina, ingat na ingat pa 'kong hindi makita ni senyorito Javier. Wala lang naman siguro iyon sa kanya pero nag-iinit ng husto ang mukha ko kapag naaalala ko 'yon.
"Hija, bilisan mon a ang paghihiwa riyan. Oh, bakit namumula iyang mukha mo? Ayos ka lang ba?" sinalat pa ni manang ang ulo ko. Napabuntong hininga nalang ako. Sinasabi ko na ng aba, kapag naaalala ko yung kagabi, pumipintig ng mabilis ang puso ko at nag-iinit ang mukha ko. Ano bang nagnyayari saakin?
"Ok lang po manang. Hindi ko ho Nakita ang mga senyorito simula kanina. Umalis ho ba?" nagbabakasakali kong tanong.
"Si senyorito Javier lamang ang umalis. Mukhang may aasikasuhing papeles sa Manila dahil sa pagbabalik niya. Ang dalawa naman marahil ay nasa kuwarto nila" nang kumain kasi ng almusal nina manang, nagpahatid lamang ng pagkain si senyora sa kaniyang kuwarto. Wala akong ideya kung kumain ba ang dalawang senyorito.
Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit parang nanghihinayang ako na wala rito si senyorito Javier. Mas Mabuti nga 'yon para hindi ako mailing o kaya'y kabahan. Pero may parte saakin na gusto siyang masilayan. Nahihibang ka na, Isabella.
"O'sya umakyat ka na at katukin mo na ang mga senyorito. Nakahanda na ang pagkain" Agad ko namang sinunod ang utos ni manang.
Bago pa ako makarating sa ikatlong palapag, nadaan ko sina Marie at Betha na naglilinis sa ikalawag palapag. Masama nila akong tiningnan nang mapansing papunta ako sa itaas.
"Akala mo naman kung sino umasta. Alam naman ng lahat na nagpapasipsip lang 'yan" Pagpaparinig ni Marie. Hinayaam ko nalang silang dalawa ni Bertha magbulungan ng kung anoa no. Hindi naman toto at puros masasama lang naman ang lumalabas sa mga bunganga nila kaya bakit pa 'ko makikinig. Sasakit lang ang tenga ko.
Nang makarating sa tapat ng kuwarto ni senyorito Ezequiel, agad akong kumatok.
"Senyorito, kakain na ho" Ilang ulit ko pang kinatok ang pinto "Senyorito?"
Bumukas ang pinto at bumungad saaking ang bagong ligong senyorito. Sinalubong niya ako nang may matamis na ngiti at lumabas na ng kuwarto niya.
"kakain na raw ho senyortio" tinanguan niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Mukhang nakasanayan na 'yang gawin ni senyorito mula pa roon. Balita ko'y gusto niya raw ng kapatid na babae ngunit dalawang kapatid na lalaki lamang ang naibigay.
"Thank you Bella. Sabay na tayong bumaba" tumanggi ako't sinabing gigisingin ko pa si senyorito Rafael. Gusto pa niyang sumama sap ag gising sa kapatid kaya isinabay ko nalang siya.
Bago makarating sa kuwarto ni senyorito Rafael, madadaanan ang kuwarto ni senyorito Javier. Napatingin ako sa siradong pinto nito. Kahit kalian ay hindi pa ako nakakapasok riyan. Tanging si manang lamang ang pinahihintulutang maglinis dyan. Hindi kagaya sa kuwarto ng dalawa pang senyorito, ilang beses na 'kong naglalabas pasok para maglinis.
Nang tuluyan na naming narating ang tapat ng kuwarto ni senyorito Rafael, kinatok ko ang pinto nito at malumanay siyang tinawag.
"Senyorito Rafa, kakain na ho ng tanghalian. Senyorito? Gising na po" tinawanan ako ni senyorito Ezequiel na sobrang hinhin ng pagkakakatok ko kaya pinaalis niya muna ako at siya ang kumatok.
Nagulat ako nang malakas niyang kinatok ang pinto, paulit-ulit. Para bang matatagal na ang pinto anumang oras sa lakas ng pagkakakatok niya.
"Rafael, wake up! Rafael! Despertar mocoso" paulit ulit pang tinatawag ni senyorito Ezequiel ang pangalan ni senyorito Rafael. Nagulat ako nang pabakya itong bumukas.
"WHAT DO YOU WANT KUYA?!" masungit niyang bungad pagkabukas ng pinto. Kung sobrang preskong tingnan ni senyorito Zeke, si senyorito Rafa naman ay mukhang walang tulog. Mayroon na siyang itim sa paligid ng mata, magulong buhok at gusot na damit. Naawa naman ako sa itsura niya dahil mukhang sobrang pagod niya.
"What happened to you bro?" natatawang sabi ni senyorito zeka na siya namang ikinasimangot ng isa.
"Audrey happened! She won't leave me alone!" ang tinutukoy niya ay si ma'am Audrey Crudwell, isang modelo na matagal na siyang sinusundan at nililigawan. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya kay ma'am Audrey eh maganda at mabait namna yun eh.
"Kakain na ho senyortio" Sabat ko sa usapan ng dalawa dahil mukhang mgapipikunan pa eh.
"Oh, hello Bella. You go first, I'll just change" tumango ako't nagsimula nang maglakad paalis. Sabi naman ni senyorito Zeke, kakausapin niya raw si senyorito Rafa dahil mukhang may problema raw kaya nauna na akong bumaba.
At dahil nadaan ko ulit sina Marie at Bertha, inaya ko na rin sila para kumain.
"nkahanda na angpagkain, bumaba na muna kayo" umakto lang ang dalawa na walang narinig at inirapan pa 'ko. Napabuntong hininga nalang ako sa sama ng ugali ng dalawa.
Nang makababa na ang mga senyorito, inaya nila kami niña manang na sumabay n asa kanila. Kahit pa mamaya pa dapat kami pagkatapos nila o di kaya'y sa maids quarter kami kakain, hindi na kami nagpapilit at sumabay na sa pagkain. Natatawa pa 'ko sa kakulitan ng dalawang senyorito dahil kahit matatanda na ang mga ito, napakagulo pa rin.
"Thank you sa pagkain manang. Kailangan ko munang umalis, may emergency. Isabella, please tell mom I went out." Tumango ako't dali daling umalis si Senyorito Rafa. Inasar asar pa siya ni senyorito Zeke tungkol kay ma'am Audrey pero mukhang may emergency nga kasi hindi na niya pinansin ang nakatatandang kapatid.
"Naku senyorito, ako na ho riyan!" narinig kong sabi ni manang nang magsimula si senyorito Ezequiel sa pagliligping ng pinagkainan. Lumapit na rin ako para agawin ang mga plato sa kanya.
"Senyorito, akin na ho. Kami na pong bahala rito" hindi niya binibitawan ang plato kaya hinyaan ko nalang siyang ihatid ito sa hugasan.
"It's fine Bella. I can wash the dishes too! I'm in a Good mood and I've got nothing else to do" napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya.
Iniwan na kami ni manang sa kusina, at sina Marie naman ay bumalik n asa naiwan nilang trabaho. Mabuti nalang at napapyag ko na rin si senyorito Zeke na iwanan na ang mga hugasin at ako na ang gagawa.
Nagsimula na akong maghugas at mukhang nililinisan niya pa ang lamesa. Maya maya'y naramdaman kong may pumasok sa kusina.
"Senyorito, ako na po ang tatapos diyan" nang walang sumagot, lumingon ako sa likodna siyang nagpagulat sakit. Nabitawan ko ang basong hinahawakan at lumikha ito ng ingay. May mga bubog na kumalat sa sahig.
"s-senyorito J-Javier. Kayo po pala. P-pasensya na p-po" mas kinabahan ako nang hindi niya 'ko sinagot at nanatili lang na nakatitig saakin.
Dali dali akong yumukod para pulutin ang mga bubog. Lumakas ang pintig ng puso ko, at dahil sa kaba, nagsimulang manginig ng kamay ko. Dahil sa pagkataranta, nahawakan ko ang matalim na parte ng bubog. Nasugatan ang kamay ko, at nagsimulang dumugo ng konti.
"N-naku. P-pasensya na po senyorito" bago k opa mahugasan ang kamay sa lavabo, hinila niya ito at ipinasok sa bibig niya ang daliri ko. Nanlaki ang mga mata k osa gulat at sa sobrang lapit ng mukha niya sakin.
"S-senyorito"
"Be careful, mi amor. I don't like seeing you with my brothers. Eres mia, solo mia. Why are you making me feel this way? Hmm?" Hindi ako nakapagsalita sa sobrang lapit ng mukha ni senyorito saakin. Nalalanghap ko mabango niyang pabango sa sobrang lapit.
"Bella, Where should I throw the left overs?" agad kong naitulak si senyorito Javier at swabe naman itong lumayo saakin. May makahulugan pang ngiti sa labi niya, at nakatuon lang ang mga mata niya saakin.
"A-ah, ako na po magtatapon niyan senyorito" nang makapasok siya sa kusina at nakita ang nakababatang kapatid, nagbatian pa silang dalawa at nag-usap. Napahinga ako nang maluwag ng makalabas na sila ng kusina. Bumalik ako sa paghuhugas nang may mainit na mukha, nanginginig na kamay, at malakas na t***k ng puso. Ano bang nangyayari?