"Good morning Bella" napangiti ako nang makita si senyorito Javier na papalapit sa lamesa. Ang pogi niya pa rin kahit bagong gising. Nakasuot ako ngayong ng uniporme dahil naghahanda na ako para pumasok sa eskwelahan. Tinulungan ko muna si nanay sa paghahanda ng agahan ng mga Alvarado dahil maya maya pa naman ang pasok ko.
"Magandang umaga po senyorito" masigla kong bati sa kanya. Inilapag ko ang huling ulam sa lamesa. Wala sina senyorito Ezequiel at senyorito Rafael dahil mayroong mahalagang gagawin sa eskwelahan,
"Are you going to school already? Come here, eat with me" masaya ko namang sinunod ang kaniyang sinabi at dali-daling umupo sa tabi niya.
"opo senyorito. Kayo po ba?" kuryoso kong tanong.
"I have class too. My tutor will come here later" sa kanilang magkakapatid, si senyorito Javier lang ang hindi pumapasok sa eskwelahan. Dito lang siya sa mansyon tinuturuan. Ang galing nga eh! Hindi na niya kailangan pag bumyahe papuntang eskwelahan at gumising ng maaga.
Aabutin ko pa lang sana ang pagkain nang biglang pumasok si nanay sa kusina.
"Naku! Halika nga ditong bata ka! Ano bang ginagawa mo riyan" s*******n akong itinayo ni nanay sa upuan at inilayo kay senyorito. Napasimangot naman ako sa bigla biglang pagsulpot niya.
'Pasensya na rito kay Isabella senyorito. Patawad ho" paulit uli na humihingi ng dispensya si nanay na siyang ikinatawa ni senyorito.
"It's fine. I asked her to eat with me" binaling ni senyorito ang tingin saakin at ngumiti ng matamis "Lika, balik ka na dito"
Tuwang tuwa naman akong bumalik sa pwesto at nagsimula nang kumain.
"You should go home early later. I'll wait for you. I can help you with your assignments if you want" natuwa namna ako sa sinabi niya. Sa wakas at may tutulong na rin saaking sa mga takdang-aralin ko. Hindi kasi ako makahingi ng tulong kay nanay dahil hindi raw siya nakapagtapos ng elementarya. At dahil limang taon ang agwat saakin ni senyorito, siguradong alam na niya ang mga leksyon naming.
"Good morning mi hijo!" masiglang bati ni senyora nang pumasok siya sa kusina.
"Oh, good morning, hija. You look pretty in that uniform" napayuko naman ako sa hiya.
"Thank you po" kung ikukumpara sa kagandahang taglay ni senyora, samahan pa ng kaniyang sopistikadang kilos, aba'y hanggang talampakan niya lang ako kaya hindi ko alam kung maniniwala ako o ano.
"te ves bien juntos, hijo" hindi ko man maintindihan ang sinabi ni señora, hula ko'y tinutudyo niya si senyorito dahil sa nakasimangot na mukha ni senyorito at and malakas na tawa ni señora. Namangha naman ako sa sopistikadang pagtawa ni señorita. Kapag ako kasi ang tumatawa ng ganyan, para akong balyenang kinakapos ng hininga,
"Stop it mama. You're making me uncomfortable!" napatawa na rin ako dahil sa reaksyon ni senyorito.
"Te sientes incómoda porque estás enamorada de ella!" mas lalong natawa si señora dahil sobrag nakasimangot na si senyorito Javier at masama na ang tingin saaming dalawa. Patawa tawa Lang ako rito pero wala talaga akong naiintindihan. Nakakatawa rin naman kasi ang reaksyon nilang dalawa eh.
Marami pa kaming pinag-usapan at palahgi naman akong sinasali ni señora. Mabait siya't maaalalahanin. Si senyorito Javier naman ay naging sobrang malapit saakin. Masayahin at mabait siyang binata ngunit nang mamatay ang kanyang ama ay nabawasan ang kislap sa mga mata niya. Kinailangan rin niyang pumuntang espanya para mag-aral at dahil iyon ang gusto ng lolo niya, si Don Gonzalo. Kahit na tutol ako, wala naman akong karapatang magsalit dahil katulong lamang ako rito. Simula nang umalis si senyorito, hindi na ako umasa pang maaalala niya pa 'ko. Sino ba naman kasi ako, anak lang naman ako ng aktulong nila.
"Saan ka ba kasi nagsususuot kang bata ka at naabutan ka nang ulan?! Sige na't magpatuyo ka na. Baka magkasakit ka pa" Binigyan ako ni manang ng tuwalya "Bilisan mo at puntahan mo si señora sa library. Gusto kang kausapin."
Nagpasalamat ako kay manang at dali daling pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Inalala ko ang itsura niya kanina. Mas tumikas ang tindig at itsura niya. Ang makakapal niyang kitay at pilik-mata ay mas nagpapatingkad ng kulay nang mata niya. Ang kaniyang kutis ay mas naging moreno. Napakalaki ng pinagbago niya. Mas pogi, mas matikas at mas nakakaakit.
Ano ba Isabella! Umayos ka nga!
Nilingo-lingo ko ang ulo para alisin ang hindi kaaya-ayang iniisip. Nahihibang na yata ako. Napabunting hininga nalang ako at mas binilisan ang pagkilos.
Nang matapos ako sa pagligo, agad akong pumanik papuntang library. Tahimi na ang buong mansyon, marahil natutulog na ang iba dahil gabi na rin.
Nang makarating sa tapat ng library, huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok.
"Magandang gabi po señora" Nakita Kong nakaupo si señora sa tapat ng lamesa. Huli na nang mapansin ko ang isang pares ng beredeng mata ang nakatingin saakin.
"S-senyorito, magandang gabi ho" hindi man lang siya gumalaw o bumati pabalik. Nahihiya ko namnag tinungo ang upuang kaharap ng kanya. Kumbaga'y nasa gitna namn si señora ngunit may lamesang nakapagitan.
"Hija, it's my son Javier. You remember him?" napatingin naman ako kay senyorito. Mas nagmature ang mukha niya at mas seryoso siyang tignankaya naiilang ako sa pagtitig niya saakin.
"A-ah o-opo señora" nakangiting tumango si señora.
"Saan k aba nanggaling kanina at nabas aka ng ulan? Did you drink wáter? Baka magkasakit ka?" sunod sunod na tanong ni señora. Para naman akong hinaplos sa puso sa tuwa. Bakas ang sinceridad at pag-aalala sa boses at mukha ng señora.
"Opo señora. Ok lang po ako. Nautusan lang na mamalengke kaso walang iban masakyan kaya naabutan ng ulan. Pero ok lang naman ho ako" mukhang nakahinga ng maluwag si señora sa sinabi ko. Hindi na ako muling lumingon sa harap dahil sa sobrang pagkailang. Hindi siya nagsasalita at nanatili lang nakikinig saamin ni señora.
"deja de mirar a su Javier. la estás haciendo sentir incómoda" seryosong Saad bi señora sa anak. Hindi ko naman naiiintindihan kaya nanatili nalang akong nagmasid sa paligid. Sa wakas ay pakiramdam ko'y nakahinga ako nang maluwag nang mapansing inalis na saakin ni senyorito ang kaniyang titig. Kanina k opa pala pinipigilan ang paghinga ko.
"lo siento mama. Solo estoy hipnotizado por ella. No la he visto en años" hindi ko mapigilang mamangha kung gaano kasarap sa tenga ang boses niya. Mas pumopogi siya sa paningin ko kapag nagsasalita siya ng espanyol. Lalaking-lalaki siyang pakinggan.
"Sé que te fuiste a casa por ella pero deberías parar. la estás asustando!" palipat lipat lang ako ng tingin kay señora at kay senyorito dahil wala akong naiintindihan. Napabuntong hininga ang senyorito matapos mag litanya ang señora.
Binalingan ako ni señora "Anyway, hija, can you accompany Javier to his room? Baka naninibago na siya rito at hindi na alama ng mga pasikot sikot" napakunot namna ng nuo ko. Imposible naman sigurong makalimutan kaagad ng senyorito ang pasikost -sikot sa bahay na kinalakihan niya. Pero tumango nalang ako't pumayag sa sinabi ng señora.
"Go. You can go now" napansin ko ang malaking ngiti sa labi ni señora nang tuluyan na kaming nakalabas ni senyorito. Walang ni isang nagsasalita saamin. Nakasunod lang siya saaking habang binibilisan ko naman ang lakad. Hindi ko maintindihan kung biakit ganito nalang ang kaba ko ngayong nandito siya malapit saakin.
"You didn't even welcome me" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita si senyorito sa likod. Agad akong tumigil at humarap sa kanya.
Yumukod ako ng bahagya "Pasensya na po. Maligayang pagbabalik senyorito Javier"
Nang inangat ko ang tingin, pansin ko ang mataman niyang pagtitig saakin. Naramdaman ko ang mabilis na tibog ng puso ko. Pakiramdam ko'y lalabas na 'to sa sobrang lakas. Nakatingin lang siya nang diretso sa mata ko, at para akong nahihipnotismo gamita ng ang verde niyang mga mata.
"Isabella, te extrañé mi amor" dahan dahang lumapit saakin si senyorito. Bigla naman akong nagpanic at hindi malaman kung anong gagawin kaya napaatras nalang ako.
"S-senyorito hindi ko po n-naiintindihan" isang maliit na ngiti ang gumuhit sa mukha niya.
"Todavía hermoso como siempre" patuloy pa rin siyang lumalapit kaya patuloy rin akong umaatras hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader.
"S-senyorito"
"te haré mía y no puedes escapar, mi amor" inilapat niya ang labi sa gilid mismo ng labi ko na siyang nagoatigil saakin. Gulat na gulat ako at hindi makagalaw dahil sa magaan na halik na iginawad niya sa gilid lamang ng labi ko.
"Good night, mi amor" nakangisi siyang umalis sa harapan ko habang nakatulala pa rin ako't nakasandal sa pader. Nang nawala na siya sa paningin ko, tsaka pa bumalik sa normal ang paghinga ko. Hindi ko namalayang kanina k opa pala pinipigilan ang paghinga.
Pero kahit na wala na siya sa harapan ko, patuloy pa rin ang malakas na pintig ng puso ko. Pilit sumisiksik sa isip ko ang mga mata niyang malapitang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Anong ibig sabihin n'on? Anong ginagawa mo sakin, senyorito?