Lumipas ang mga araw, at linggo, ganun pa rin ang takbo ng buhay ko dito sa mansion. Ang kaibahan lang siguro ay hindi ko na masyadong nakakausap si senyora dahil naging abala siya nitong mga nakaaraang araw at palaging may lakad. Maayos na rin 'yon para saakin para wala nang masabi ang mga inggiterang katulong rito.
Nandito ako ngayon sa malaking sala na nasa unang palapag nang mansion. Gamit ang pamunas at feather duster, nilinisan ko ang mga muwebles at litratong nakadisplay. Napatitig ako sa napakalaking portrait na nakadikit sa dingding. Ang gandang lahi talaga nang mga Alvarado.
Sa kanan ay si Senyor Sebastian. Mapapansin ang makakapal nitong kilay at pilikmata at ang striktong nitong tindig. Lahat naman yata sa pamilya nila ay mayroong nakakaakit at makakakapal na kilay at pilik-mata. Maging ang napakatangos nilang ilong ay mapapansin rin.
Sa kanan niya ay si Senyora Almira. Kabaligtaran ng seryoso at striktong awra nang senyor, si senyora ay mayroong napakalaking ngiti sa labi. Makikita ang kasiyahan sa kaniyang mga mata. Nakakalungkot lang at nabawasan ang kislap ng mga mata iya nang mamatay ang senyor isang taon mula nang napadpad kami rito ni nanay.
Nakaupo naman ang mga senyorito. Batang-bata pa sila sa litrato. Si senyorito Ezequiel at senyorito Rafael ay hazel brown ang kulay ng mga mata na nakuha nil amula sa ina. Samantalang si senyorito Javier naman ay kulay emerald ang mata na nagmana sa ama.
Senyorito Javier
Ang guwapo na niya simula pa noon. Limang taon ang agwat namin pero siya ang pinaka naging malapit saakin noon dahil siya lang ang palaging natitira rito sa bahay. Pero kinailangan niyang lumipad papuntang espanya para mag-aral at dahil na rin gusto siyang kunin ng kaniyang lolo, si Don Gonzalo. Gusto ko siyang pigilan noon pero hindi naman puwede. Katulong lang ako at isa siya sa mga amo ko. Kahit pa itinuring niya akong kaibigan, wala pa rin akong karapatang magsalita para sa mga taong pinagtatrabahuan ko.
"Isabella, nakatunganga ka riyan hija. Ok ka lang ba?" Narinig ko ang tawag ni manang Lorna.
"Ayos lang po manang. Namamangha pa rin po sa anyo nila"
Nginitian ako ni manang at tumayo sa tabi ko. Mas matagal na si manang rito kaya nasubaybayan niya ang paglaki nangmga senyorito.
"Ako nga rin. Kahit pa'y kasama nila ako habang lumalaki hindi pa rin ako nasanay sa taglay nilang kagandahan. Mababait pa kahit saating mahihirap kaya laking bilib ko kay senyora at napalaki niyang Mabuti ang mga anak"
Alam kong malapit na sa puso ni manang ang pamilya Alvarado dahil sila ang tumulong sa kaniya noong oras na naghihirap siya. Hindi ko alam ang buong storya pero palagi kong naririnig kay manang kung gaano kalaki ang utang na loob niya sa mga Alvarado.
"O'sya, magtrabaho na tayo nang matapos ng maaga"
Tinapos ko ang ang mga dapat kong linisin kaya maago akong nakapahgpahinga sa kuwarto ko. Inabot ko nalang ang sketchpad at pumunta sa hardin para roon humanap ng inspirasyon sa damit na dinidisenyo.
Naroon pa rin ang mga armadong guwardya pero hindi naman sila nakikialam sa amin dahil hindi sila puwedeng umalis sa puwesto maliban na lang kung kailangang magbanyo o kumain kaya Malaya akong gawin anumang gusto ko kahit pa nariyan sila.
Naupo ako sa kahoy na silya sa gitna ng hardin kung saan mayroong magarang payong ay napakagandang kahoy na lamesa. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Napakaraming halaman rito, iba't ibang klase at karamihan ay galing pa sa ibang bansa.
Nagsimula na akong gumuhit nang panibagong disenyo. Hindi ko na natapos iyong isa, pero dahil nakakita ako nang maaaring basehan ng disenyo, gumawa nalang ako ng bago.
Sinubukan kong gayahin ang mga bulaklak na nasa hardin at ito ang ginamit na disenyo sa isang long summer dress na balak kong gawin. Nagustuhan ko ang mga kulay maging ang konsepto kaya nasiyahan ako sa ginagawa
Nawili ako sa pagguhit, at hindi ko na namalayan ang oras. Medyo dumidilim ang paligid, mukhang uulan pa nga. Agad kong inayos ang mga gamit at pumasok na sa loob ng mansion.
Sa daan patungong maids quarter, nadatnan ko si manang at Marie sa kusina na nagtatalo. Inuutusan pala ni Manang si Marie pero hindi ito pumapayag.
"Ikaw nalang muna kasi ang mamili roon sa bayan dahil magluluto pa ako nang hapunan, Marie" pansin ang pagkairita sa boses ni manang. Hindi man lang natinag si Marie at patuloy pa rin itong lumilingo.
"Mayroon pa kasi akong gagawin manang! Humanap ka nalang nang ibang mauutusan"
Sakto namang napadaan ako kaya ako naman agad ang naituro ni Marie
"Siya nalang kaya ang utusan mo total namay wala naming ginagawa 'yan. Puro paganda lang" pabalang niyang sabi at inirapan pa 'ko. Hindi pa nga ako pumapayak ay dali dali itong umalis para makatakas.
"Ok lang ba hija? Wala na kasing mga sangkap rito sa kusina eh" dahil naaawa ako kay manang, pumayag na rin ako. Tutal ay tapos na rin naman ako sa lahat ng Gawain. Alam ko kasing marami pang kailangang asikasuhin sa bahay dahil responsibilidad niyang siguraduhing maayos na nagawa ang mga trabaho rito sa mansion.
Wala raw ang driver dahil ipinaayos ang isang sasakyan nina senyora kaya napilitan akong magcommute. Wala masyadong dumaraan ritong tricycle dahil maliban sa malayo ito sa bayan, ang mansion ng mga Alvarado lang ang narito at ang paligid ay mga puno at kagubatan na.
Nang makarating sa palengke, dumiretso kaagd ako sa mga karne. Sinusubukan ko pang tumawad para makatipid. Mabuti nalang at mayroon akong iilang kakilalang nagtitinda kaya nakakatawad ako.
"Isabella, eto buy 1 take 1 na para sayo" sabi ni Rico, isa sa mga tindero rito sa palengke. Hawak niya ang isang buong kalabasa. At syempre, dahil promo, agad ko naman iyong sinunggaban.
"Sigurado kang buy 1 take 1 'to? Malalaki to ah"
Ibinalot niya ang binili ko. Nginitian niya lang ako at kinindatan. Natawa nalang ako sa kalokohan ni Rico at nagpatuloy na sa paghahanap ng mabibilhan.
"Rico! Hindi ba't sinabi ko sayong wag kag namimigay ng paninda?! Aba't malulugi ako saiyong bata ka!" nakita ko pang hinahampas ni Aling Fe ang anak na si Rico. Palagi akong nakakatipid kapag sa kanila ako bumibili lalo na kapag si Rico ang nagbabantay. Hindi na ko dumaan ulit sa tindahan nila at baka bawiin ni Aling Fe ang buy 1 take 1 na kalabasa.
Marami rami na rin ang nabili ko. Myroong iba't ibang klase ng gulay, mga prutas, mga pampalasa, karneng baboy, manok, at isda. Tiningnan ko ulit ang mga nabili para sguraduhing wla nang nakalimutan. Malayo pa naman ito sa mansion kaya mahirap nang pabalik balik.
Nang masigurong kumpleto na, nag-abang na ako ng masasakyan. Kahit tricycle ay pwede na, tinutuboan naman ang pamasahe ko dahil sa layo.
Madyo nangangalay na ang mga kamay ko sa bigat ng mga pinamili pero wala pa ring dumadaang tricycle na maghahatid sa mansion. Nilalamok na ko't lahat ay wala pa rin kaya napagdesisyonan kong magsimula nalang na maglakad dahil dumidilim na at makulimlim na ang langit. Baka rin sakaling may makasalubong akong masasakyan.
Malayo layo na rin ang nalakad ko pero wala pa rin masasakyan. Dahil masakit na ang paa ko pati mga braso, nagpahinga nalang muna ako saglit sa gilid. Binaba ko ang mga pinabili at kinuha ang de keypad na cellphone sa bulsa.
Sa kasamaang palad, lowbatt na ang cellphone ko. Nakalimutan ko palang I charge. Hindi ko naman kasi madalas ginagamit dahil wala naman akong ibang tatawagan kundi si manang.
"Malas naman oh. Nangangalay na 'ko"
Palingon lingon ako sa kabilang gilid, nag-aabang ng daraang sasakyan.
"Pano na 'to ngayon?! Kainis naman eh!" padabog kong kinuha ang mga pinamili at nagmadaling maglakad. Nagsisimula nang bumuhos ang ulan. Wala pa naming mga bahay o gusali sa paligid para masilungan. Kapag minamalas ka nga naman oh.
Tuluyan na akong nabasa sa ulan at madilim na ang paligid. Pagod na ang katawan ko kaya umupo nalang ako sa gilid ng kalsada at sumilong sa ilalim ng puno. Wala rin naang kwenta kasi nababasa pa rin ako.
Maya- maya'y may Nakita akong ilaw sa di kalayuan. Agad ko itong pinara at Mabuti nalang ay Nakita ako.
Tumigil ang tricycle sa harap ko "Hija, aba'y gabi na. Basang basa ka pa"
"Oo nga ho eh, kanina pa 'ko nagaabang ng masasakyan. Sa mga Alvarado po?" Mabuti nalang at mabait ang matandang driver kaya pumayag na ito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang sa wakas ay nakarating na kami sa mansyon. Gabi na kaya baka hinahanap na rin ako ni manang.
"Eto ho bayad. Salamat manong" Bitbit ang mga pinamili, tinakbo ko ang gate patungo sa pinto ng mansyon. Baki ba kasi ang laki ng bakuran eh.
Pabagsak kong inilapag sa sahig ang mga pinamili at piniga muna ang damit at buhok sa labas bago binuksan ang pinto para makapasok.
"Manang! Patulong ho—"
Natulos ako sa kinatatayuan nang makita si Senyora kasama ang mga anak na nakatingin aT nagulat rin sa presensya ko.
"M-magandang gabi ho" yumuko ako ng bahagya. Sakto namang lumapit si manang sa gawi ko para kunin ang mga pinamili ko.
"Isabella, what happened to you dear" alalang tanong ni senyora at naglakad palapit saakin. Pero ang paglapit niya sa gawi ko ay nagresulta para makita ang taong hindi ko napanasing nakatayo sa likod niya. Isang pares ng berdeng mata ang diretsong nakatingin sa gawi ko na siyang nagpabilis nang t***k ng puso ko.
"s-senyorito Javier"