Tanaw ko ang malawak na bakuran ng mga Alvarado mula sa aking kinatatayuan. Napamasid ako sa paligid habang dindiligan ang mga halaman. May mga armadong kalalakihan ang nagkalat sa labas para masiguro ang kaligtasan ng pamilya maging ang mga tauhan.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa mansion ng mga Alvarado. Tatlong palapag lamang ito pero napakalawak. May kusina sa baba na mayroong napakahabang mesa. Mayroon ring bar counter sa ibaba at malawak na sala. Bubungad rin pagpsok ang napakaengrandeng hagdan. Nasa ikalawang palapag naman ang mga kwarto para sa mga bisita, bulwagan para sa mga kasiyahan at dalawa pang living area. Sa ikatlong palapag naman ang kuwarto ng pamilya at ang mga opisina. Konti lang sa mga tauhan ang pwedeng umakyat sa palapag na 'yon dahil lahat ng mga importanteng bagay ay naroon. Kami namang mga katulong ay nasa ibaba ang kuwarto, malapit sa kusina.
Labin-apat na taon pa lang ako nang nagsimula sa pagtatrabaho si nanay rito. Namatay siya apat na taon na ang nakakaraan. At dahil wala akong ibang kamag-anak na matatakbuhan, pinili kong manatili at magtrabaho sa masyon. Mababait naman ang mga tao rito. Kasundo ko naman si senyo maging ang kanyang mga anak. Dalawampu't isang taong gulang pa lang ako pero hindi na ako nakatuntong sa kolehiyo. Mahirap kasi ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. Gusto man ni senyorang pag-aralin ako, sobra sobra na ang naitulong niya saakin kaya tinanggihan ko na.
"Isabella, hinahanap ka ni senyora Almira" sabi ni manang Lorna, mayordoma namin. Tinuyo ko ang kamay gamit ang dulo ng bestidang suot at pumasok na sa loob. Maaga pa lang kaya nakasalubong ko ang unang anak. Si senyorito Ezequiel.
"Magandang umaga ho, senyorito" bahagya pa akong yumuko bilang galang. Ginulo niya lang ang buhok ko at nginitian ako. Ganiyan siya lagi. Pakiramdam ko nga tinuturing nila akong kapatid o kapamilya minsan dahil sa trato nila saakin.
"Good morning Bella. I heard mama is looking for you. Kailangan ko nang umalis" nginitian niya ako sa huling beses at nagmamadaling umalis. Mabait talaga ang mga anak ni senyora. Lalo na si senyorito Ezequeil. Siya rin naman ang lagi naming nakikita rito sa mansion dahil madalang lang umuwi si senyorito Rafael, ang busong anak. Si senyorito Javier naman ay anim na taon nang nasa Spain. Siya ang pinakamalapit saakin noon pero malabong naaalala niya pa ako ngayon.
"Senyora? Magandang umaga ho"
nakaupo lang si senyora sa mamahaling upuan sa tapat ng malaking bintana at nag tsa-tsaa.
"Hija, halika upo ka" tinapik niya ang espasyo sa gilid niya. Agad naman akong sumunod at nag iwan nang espasyo saaming dalawa. Nakakahiya naman kung dumikit ako sa kanya, baka dumikit ang amoy ng pawis ko.
Sa lahat ng mga nagtatrabaho dito sa mansion, mapapansing ako ang pinaka malapit kay senyora. Marahil dahil bata pa lang ako ay nanatili na ako rito kaya nasubaybayan niya ang paglaki ko. Hindi maiiwasang may inggitang nagaganap pero hinahayaan ko nalang kasi alam ko naming pantay pa rin ang trato niya saaming lahat. Hindi rin naman ako papaya na api apihin lang ako ng ibang nagtatrabaho rito.
"I always wanted to have a daughter, pero binigyan ako ng tatlong barako" napahagikgik ako dahil sa sinabi ni senyora. Totoo, araw araw niya itong sinasabi saakin. Lagi niya rin kasi akong iniimbitahan para mag-usap kada umaga dahil nabuburyo raw siya at natutuwa siya saakin.
"Pogi naman po sila senyorito kaya wala kang pagsisisihan senyora" tinawanan niya lang ako at sinalinan ng tsaa sa tasang babasagin at mukhang mamahalin.
"Ofcourse, my sons are good looking. Kanino ba naman magmamana edi sa ina" pagbibiro niya na siyang nagpatawa saakin. Totoo namang maganda si senyora. Berdeng mga mata, makapal na kilay at pilik-mata, at ang napakaganda nitong morenang kutis.
"Do you like one of my sons, hija?" binalingan niya ako nang may malokong ngiti. Nagugulat akong umiling at todo tanggi. Hindi ko naman kasi inaasahang itatanong niya 'yon eh.
Marami pang inusisa si senyora saakin pero natapos ang usapan naming ni Senyora dahil may kailangan pa siyang asikasuhin at may trabaho pa 'ko. Bumaba ako para tumulong sa kusina. Sakto naming nandoon ang dalawa pang katulong rito, si Bertha at Marie.
"Naku! Mabuti pa't gawin nalang natin ang trabaho natin kesa naman sa nagpapasipsip" alam kong ako ang pinaparinggan ni Bertha. Palagi naming ganyan 'yan kaya dinaanan ko nalang para abutin ang mga platong pupunasan.
"Kunwaring nagtatrabaho. Sus! Alam naman nang lahat na nanghuhuthot lang 'yan ng yaman kay senyora" nagtawanan pa ang dalawa. Pabagsak kong inilagay ang babasaging plato na pinupunasan. Lumikha ito nang ingay kaya napatingin ang dalawa saakin.
"Baka kayo ang gumagawa niyan? O baka gusto niyong gawin? Lagi niyo nalang 'yang binibintang saakin, wala naman kayong pruweba!" lumapit ang dalawa saakin. Umatras ako ng konti, natatakot baka bigla nalang mamisikal.
"Eh paano mo ipapaliwanag ang pagpapasipsip mo kay senyora? Kunyari ka pang mabait at disente! Mukha ka rin naming pera!" pakiramdam ko malapit na akong sumabog sa galit. Paanong naging mukha akong pera dahil lang sa pakikipag-usap kay senyora? Ni hindi nga ako humihingi o tumatanggap ng kahit ano maliban sa sweldo ko mula sa kanila!
"Aba't ayus-ayusin mo ang pananalita mo ha! Wag kang nambibintang. Hindi moa ko lubusang kilala kaya wala kayong karapatang husgahan ako"
"Isa pa, ginagawa ko kasi ng maayos ang trabaho ko kaya nawiwili saakin si senyora, hindi kagaya niyo na chismis lang ng chismis" napansin kong lalong nanlaki ang mata ni Bertha sa galit.
Sasagot na sana siya pero biglang pumasok si Manang Lorna sa kusina kaya para itong mabait na tutang lumayo at bumalik sa trabaho.
Araw-araw ay halos ganito ang eksena kaya hindi na ako naninibago. Pagpasok pa lang nang dalawang 'yan, masama na ang turing nila saakin. Pero hindi ko sila hinahayaang gumawa nang sariling bersyon kung sino ako dahil puro masasama lang naman ang pumapasok sa isip nila.
Umalis ako sa kusina at pumunta sa ikalawang palapag, kung nasaan ang mga naglalakihang kwarto para sa mga party. Naku, mukhang mapapagod na naman ako nito. Masakit sa likod maglinis rito dahil sa sobrang laki.
Ingat na ingat ako sa paglilinis baka kasi makabasag ako. Madami pa namang mamahaling muwebles ang nakadisplay rito. At sigurado akong hindi sapat ang ipon ko para mabayaran 'yon kung sakali.
Apat na oras ang ginugol ko para malinisan ang dalawang malalaking kuwarto. Tumigil muna ako para bumaba at maghanap nang makakain. Palabas ng kuwarto, Nakita ko si senyora sa dulo nang hagdan, tumatawa at may kausap sa telepono.
"Sabes que no puedo ir a casa todavía mamá" narinig ko ang baritonong boses nang kausap ni señora. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan pero don kasi ako dadaan at ka video call ni señora ang kausap kaya naririnig ko ang usapan.
"pero tu mamá ya te extraña"
hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi nila kaya ok lang. Dali dali akong naglakad para agad nang makalayo at hindi na marinig ang usapan. Pero hindi pa man ako nakakalapit nang maayos, napansin agad ako nang kausap ni senyora.
"Who's that behind you mama" lumingon si senyora sa gawi ko at magiliw akong tinawag.
"Isabella! Come here for a minute hija." Pinatayo niya lang ako sa harap niya at itinutok saakin ang camera sa likod nang cellphone niya. Nahihiya naman ako kaya pilit kong iniiwas ang mukha ko.
"Oh, she's shy. You can go now hija" nginitian lang ako ni senyora kaya agad naman akong umalis.
"Anyway, she's Isabella. You remember her?"
"sí, mama. Ella se había convertido en una hermosa dama" 'yan ang huli Kong narinig sa kausap ni senyora. Dumiretso na agad ako sa kusina at pagkatapos ay tinapos ko na ang paglilinis sa ikalawang palapag.
Gabi na at tapos na rin ako sa lahat ng gagawin kaya pumasok na ako sa maids quarter. Pagpasok sa loob ay mabubungaran ang isang maliit na sala set at tv. Mayroong apat na pinto, isa isa kami nina Bertha at Marie nang kwarto at ang isa naman ang banyo. Naiiba nang kwarto ang mas nakakatandang mga katulong.
Nasa maliit na sala pa sina Bertha at may kung anong pinag-uusapan. Dumiretso na ako sa sariling kuwarto para makaiwas sa g**o. Mabuti naman at hindi na nila ako pinakealaman ulit.
Kinuha ko ang sketchbook sa lamesa sa tabi nang higaan ko. Nandito lahat nang disenyo ng damit na maisip ko. Mayroon pa akong tinatapos pero hindi ko alam kung paano dahil wala pa akong makitang inspirasyon.
Iniligpit ko nalang muna ang sketchbook at tiningnan ang litrato namin ni nanay na nasa lamesa rin. Napangiti ako, ang saya naming tingnan ni nanay.
Nay, malapit na rin akong makaipon. Pangako, aabutin ko ang pangarap ko.