"You're so tagal!" may inis sa mukha ni Alexa at kitang kita ko din ang pamumula niya ng maabutan namin siya sa lobby ng hotel. "Sorry na madam, nag quickie pa kasi kami eh." nakangisi kong saad, nanunukso. "Ewww! Do you really need to tell me that?!" maarte nitong saad bago ako hinila paalis sa tabi ni Magnus. "Let's go na nga!" sambit niya at hinila ako palabas. Lumingon ako at napakunot ang nuo ng makita si Andrius na lumalapit kay Magnus. "Nandito pala si Andrius?" taka kong tanong at sinabayan ang lakad ni Alexa. "Yeah, siya ang nagmamanage nitong resort. He's so mayabang pala!" pairap na sambit ni Alexa kaya napangiti ako. Sinundot ko ang tagiliran niya kaya napaigtad siya at inis akong tiningnan. "Kaya pala pulang pula ang mukha mo eh! Aysuss! Yieeee" tukso ko sa kaniya

