MAGNUS' POV Kakaalis lang nila Andrea, kasama ang iba niyang babaeng kaklase. Maglilibot libot daw muna sila. Gusto kong sumama pero parang mali naman ata iyon kaya hinayaan ko na lang. Napatingin ako kay Ashton at nakitang nakatitig siya sa girlfriend ko. What the f**k?! Agad na nagtagis ang bagang ko. Gustong gusto kong harangan ang tingin niya. Damn it! Inalala ko na lang na mas matanda ako kaya dapat umunawa. Kanina ko pa napapansin ang mga tingin niya sa girlfriend ko eh, ngayon ko napatunayang may gusto siya kay Andrea. Same with Andrius, but somehow I think there's something going on between him and Alexa, ang kaibigan ni Andrea. Tangina. Kailangan ko na atang bakuran ang sa akin. Ilang minuto lang ay may grupo ng mga babae ang lumapit sa cottage namin. Hindi ko sila

