"Wala ka bang Plano na puntahan si Sethro?" "Wala kahit konti." sabi ko "Well I guess we can hang out around the hotel pagbalik mo." Iminungkahi niya. "Okay ayos lang naman sa akin." Napansin kong 7:30 am na at alas nuweb dito sa hotel ang meeting namin ni Jethro. Umupo muna ako sa kama katabi ang mga bata at nakahiga sa dibdib ko. "Kailangan ko nang magsimulang maghanda para sa meeting namin ni boss." Sabi ko. "Gutom kana ba gusto mo ng kumain?" tanong ni Manilyn sa akin. "Yes, pass the menu pwede tayong umorder ng room service." Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakaupo na kami sa dining area, kumakain ng aming almusal. Umupo si Faith sa kandungan ko at Si Hope naman ay nakaupo kasama si Manilyn. Ang pagkain ay masarap, at ang mga batang babae ay nagustuhan ang spaghetti with

