Inaasahan kong maganda din Ang tulog ko sa mga susunod na araw katulad ngayon na nakapag pahinga ako ng husto at mahimbing ang naging tulog ko. Tamad akong nag-inat sa malambot na king-sized na kama. Aaminin ko, ang pagtulog sa ibang lugar ay isang nakakarelax at ginhawa para sa akin. No Erji to make me feel hurt or guilty, no worries about what will happen next and just being with my kids. Naramdaman ko ang isang pamilyar na paghatak sa kaliwang dibdib ko at tumingin sa ibaba upang makita si Faith na tahimik na nag-s**o sa akin, nakapikit pa rin ang kanyang mga mata ngunit marahan niyang inikot ang aking blonde na buhok sa pagitan ng kanyang mga daliri. Nakayakap pa rin si Hope sa baluktot ng kanang braso ko na mahimbing na natutulog. Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang kanilang buhok,

