"Hey, what's up, bro? Kararating ko sa airport ngayon at palabas pa lang ako para sumakay ng taxi." Kaagad na bungad ni Justin kay Harry sa kabilang linya. Kararating lang niya galing ng Pinas dahil sa sunod-sunod na problema ng kompanya nila at na-stroke pa ang Daddy niya. Kaya wala siyang choice kundi umuwi muna para asikasuhin ang problema ng kompanya nila nang araw na nakita niya sina Daniela at Chad sa park kasama ang batang malakas ang kanyang kutob na anak niya ito. Humingi siya ng tulong sa kaibigang si Harry para pasundan at imbestigahan ang mga ito habang nasa Pinas pa siya. Ayaw niya sanang umuwi nang araw na iyon dahil konting gipit na lang sana para magkaalaman na sila pero noong tumawag si Waki sa kanya habang nakamasid pa siya sa dalawang lalake at ibinalita nito ang pagk

