Malakas na binagsak ni Justin ang baso, matapos niyang lagukin ang laman nito. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit matapos niyang masaksihan ang mala-dramang tagpo kanina. Selos na selos siya kanina sa tagpong iyon. Larawan kasi ito ng masayang pamilya. Pigil niya ang kanyang hininga hanggang sa matapos ang tagpong iyon. Mabilis siyang nagtago kanina nang hinanap siya ng mga ito dahil ayaw niyang malaman ni Daniela na siya ang nakakita sa bata. Naalala niya pa ang itsura ni Daniela kanina habang hinahanap nito ang bata. Nasaktan siya nang makitang umiiyak ito pero mas nasaktan siya sumunod na pangyayari. "What was that for?" takang tanong sa kanya ni Gavin. "Ang hina naman. Lakasan mo pa," si Shawn na hindi rin nakaligtas ang ginawa niyang pagbagsak ng walang laman na baso. Salubon

