Grabe si Luke. Pinanindigan niyang mag-ja-jacket ako. Pero ang ginawa na lang ni Lira ay iniwan niya iyon sa labas ng apartment. Bahala raw ang Kuya niya roon. Pasaway talaga. Haha. “Talaga? Never ka pa nakapunta sa mga ganitong party?” Mangha ang pagkakatanong sa akin ni Lira. Hindi siya makapaniwalang hindi pa nakakadalo sa mga ganitong klase ng kasiyahan. tumango ako. “Yes. Parang bar na ‘to.” “Yes. But in a classy way. Bachelor Party, parang despedida nila to sa pagiging Bachelor. Ito ang huling araw ng pagiging Bachelor ni Kuya Justin dahil ikakasal na siya.” “Ahh,” Lumingon ako sa paligid. Tama si Lira. Mas marami talaga ang lalaki kaysa babae. Minsan ang babae pa rito ay girlfriend ng mga kasama nilang lalaki. Pansin ko ang palinga-linga ni Lira. Malamang ay hinahanap na

