“Hija, nahanap mo na ba ang hinahanap mo noong isang araw?” Tanong ni Tita Leona sa gitna ng aming pagkain. Iyon siguro ‘yong naabutan nila akong naghahanap dito sa apartment at sobrang gulo pa nga ng mga gamit dito noon. Ngumiti ako at sumagot sa kaniya. “Opo, Tita,” kahit hindi naman totoo. Baka kasi isipin niyang hindi ako naniniwala sa kaniya na ibinenta niya sa kaniyang amiga ang mga pearl ko. “Ano nga pala ang hinahanap mo noon Ate? Parang ang importante non kasi talaga hinalughog mo ang buong apartment. Haha.” “Wala iyon. Actually trip ko lang talaga ang mag linis then naisip kong isabay sa paghahanap yung nawawala kong suklay. Hehe.” “Suklay ang hinahanap mo noon?” “Opo, Tita.” “Akala ko pa naman kung ano, buti naman nakita mo na,” “Oo nga po e,” “Anong oras ng

