“Ano ‘yong narinig ko kanina? Tinawag mong Joy lang si Nurse Joy? Anong nakaraan niyo ha? Umamin ka nga sa akin. Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong malintikan! Ano?” Kung magsalita si Petra ay parang siya ang girlfriend ni Juanito. Haha. “Huminahon ka nga. Ayan ka na naman e, kagagaling mo lang sa clinic pero parang gusto mong bumalik doon.” “Alam mong ayaw kong pinupunta ako sa clinic. Anong naisip mo at doon mo ako dinala? Ikaw na lang sana ang gumamot sa akin hindi ‘yang Joy mo!” Ngumisi si Juanito dahil sa mapait na pagkakasabi niyon ni Petra. “O anong nginingisingisi mo diyan, ha?” “Wala.” “Sabihin mo sa akin ang nasa isip mo kung ayaw mong masapak!” Ito talagang si Petra ayaw paawat ng bunganga at ang tapang pa lalo na kay Juanito. “Nagseselos ka ba kay Joy?” “Hin

