“Nasaan na ang kasama mo?” Tanong sa akin ni Petra. Alam kong may gusto pa siyang sunod na itanong pero pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili. Si Luke ata ang tinutukoy niyang kasama ko. Ayon, bumalik na kina Tita Leona, pupuntahan na lang daw niya ako mamaya kapag tapos na niya ang duty niya sa anak niya. Dala kasi nila si Liam. Huminahon na siya ngayon hindi katulad kanina noong hindi pa siya nahahalikan ni Juanito. “Umalis na. May pupuntahan siya.” “Sino at saan?” “Ah sa kapatid niya at sa Nanay niya.” “I see, thank you pala kanina kasi nandiyan kayo para magbantay sa akin.” “Nako wala maman akong ginawa. Ang pasalamatan mo, si Juanito, siya ang nagbantay sa iyo at tumulong ng sobra.” Natahimik siya noong banggitin ko ang pangalan ni Juanito. Pansin ko ring namula a

