Luke wants me to go home. Kaya kahit ayaw ko pang umuwi ay napilitan akong umuwi ng wala sa oras. Ayaw niyang nakikita ko siya sa ganitong mga panahon. I know he needed me when this kind of time came, but I decided to follow his words para wala nang iba pang usapan at hindi na madagdagan pa ang kaniyang mga problema. Ayokong madagdagan pa ang iniisip niya. Ipinasama niya sa akin si Lira, he wants me to take care of her habang nagbabantay sila ni Tita Leona kay Liam sa Hospital. Gabi na and I decided to cook for our dinner. Ayaw ko namang asahan si Lira na magluluto para sa aming dalawa, bukod sa bata pa siya alam ko namang wala rin siyang alam dito sa kusina. Hindi sa pag-ja-judge sa kaniya, inamin niya rin kasi sa akin bago pa man siya ipagkatiwala sa akin ni Kuya niya. Magpiprito n

