“Matalino kang babae. Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang natipuhan ng anak ko. Pero aanhin mo ang talino kung wala ka namang pera? Balewala rin ‘yang katalinuhan mo.” Kung mahina lang ang loob ko ay kanina pa ako napaluha sa mga panlalait na ibinabato sa akin ng Tatay ni Luke. Pero hindi dapat ako magpakita ng kahit anong kahinaan sa kaniya. Ano ngayon kung wala akong pera at sila ay mayaman? “Hindi ho importante ang pera-“ “Money is very important. Lalo na sa panahon natin ngayon, hija, love is just nothing. Hindi ka bubusugin ng pagmamahalan ninyo ng anak ko. Hindi ka bibigyan ng magandang kinabukasan na ang pagmamahal lamang ang mayroon kayong dalawa. Tandaan mo, kailangan mo ng pera sa mundong ito upang mabuhay, nang matagal at nang marangya.” Hindi ako nakapagsalita sa

